Catriona Gray, pang-beauty pageant pa rin ang sagot sa interviews

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2019
PHOTO/S: Binibining Pilipinas 2019

Ang Love Yourself, Young Focus, at Hope for Change ang mga Philippine organization na tumanggap ng financial donation mula sa Miss Universe Organization at Frontrow Cares.

Ang Frontrow Cares ang foundation ng Frontrow International, ang direct-selling company na pag-aari nina Sam Verzosa at RS Francisco.

One million pesos each ang ibinigay ng Frontrow Cares sa Love Yourself at Young Focus, samantalang US$15,000 ang ipinagkaloob ng Miss Universe Organization sa Hope for Change sa turn over ceremony na ginanap ngayong hapon, June 13, 2019, sa Novotel.

Ang Love Yourself, Hope For Change, at Young Focus ang mga organisasyong tinutulungan at malapit sa puso ni Catriona at ng Frontrow International.

Bago naganap ang turnover ceremony, pinasalamatan ni RS si Catriona dahil sa mga karangalang patuloy na inihahatid nito sa Pilipinas.

"I am so proud of Catriona and she knows this, I’m so proud of Catriona, of what she’s done and what she’s still doing to the Philippines… all over the world.

Continue reading below ↓

"The awesome, excellent image that she’s been portraying. Before, when I meet foreigners from abroad who have barely an idea of what the Philippines is, they would say, Manny Pacquiao but now, when I say I’m from the Philippines, they would say Catriona Gray."

Pinuna rin ni RS na kapag si Catriona ang nagsasalita, parang sumasagot pa rin ang reigning Miss Universe sa question-and-answer portion ng isang beauty pageant.

"Kapag ako ang nag-a-answer, parang normal na kuwentuhan lang. Pag si Catriona, parang question and answer…"

Napangiti si Catriona nang marinig nito ang obserbasyon ni Francisco at lalong naging masaya ang kanyang mukha sa suggestion na dapat na ipag-produce siya ng concert ng Frontrow International.

"Gusto ba ng tao yun? Manonood kayo kung meron?

"Kailangan mag-yes si Catriona," magkasunod na tanong at sagot ni RS na sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga miyembro ng media na pabor magkaroon ng sariling concert si Catriona.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Binibining Pilipinas 2019
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results