Hintayan Ng Langit ni Eddie Garcia, mas napansin sa Netflix

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2019

Ang aksidenteng nangyari sa veteran actor na si Eddie Garcia ang dahilan kaya napukaw nang husto ang interes ng mga Pilipino sa Hintayan Ng Langit, ang pelikula nila ni Gina Pareño na official entry sa QCinema International Film Festival.

Mula nang mag-umpisa sa Netflix ang streaming ng Hintayan Ng Langit noong June 12, umaani ito ng mga papuri mula sa viewers na saludo sa fine performances na ipinamalas nina Gina at Eddie.

Malaki ang posibilidad na mag-trending sa Netflix ang Hintayan Ng Langit, na may English title na Heaven’s Waiting, dahil sa good reviews at word of mouth na maganda ang pelikulang hindi man lamang naramdaman na ipinalabas sa mga sinehan noong November 21, 2018.

Kung hindi pa naaksidente at nasa kritikal na kundisyon si Eddie, hindi mapapansin ng manonood ang critically-acclaimed movie nila ni Gina.

Tungkol sa ex-lovers na nagkita sa purgatoryo ang kuwento ng Hintayan Ng Langit.

Continue reading below ↓

May kilabot na naramdaman ang mga nanood sa Netflix ng pelikula ni Eddie dahil sa eksenang comatose siya habang naka-confine sa isang ospital, na tunay na kalagayan niya sa kasalukuyan.

Si Eddie ang best actor winner sa 2018 QCinema International Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Manolo sa Hintayan ng Langit.

Nominado si Eddie sa best actor category ng 42nd Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para pa rin sa karakter na ginampanan niya sa Hintayan Ng Langit.

Nakatakda sa June 18 sa UPFi Film Center ang gabi ng parangal ng Gawad Urian.

Postscript: Sa exclusive interview ni Ricky Lo sa longtime partner ni Eddie na si Lillibeth Romero sa June 13 edition ng The Philippine Star, sinabi niyang hindi pa nakikipag-usap sa kanya ang management ng GMA Network Inc.

Taliwas ito sa pahayag ni GMA-7 executive Lilybeth Rasonable dahil ayon dito, in touch sa pamilya ng aktor ang network management mula nang maganap ang aksidente noong June 8.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results