Pagkapanalo ng anak ni Rico J. Puno sa Tawag ng Tanghalan, niluto?

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2019
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Hindi matanggap ng ilang nanood ng Father’s Day edition (June 15) ng “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime ang resulta dahil tinalo ni Rox Puno ang defending champion na si Justine Narvios.

“Umiral ang palakasan” ang akusasyon ng mga nagagalit na televiewers at tinawag nilang "cooking show" ang resulta ng contest dahil sa paratang na pinaboran ng mga hurado si Rox, ang anak ni OPM King at former "Tawag ng Tanghalan" Hurado Rico Puno.

Bago ang announcement ng winner, sinabi ni “Tawag Ng Tanghalan” Punong Hurado Rey Valera na kung sino man ang matalo, bumalik o sumali uli.

Kaya lalong lumakas ang kutob ng ilang netizens at televiewers na ang anak ni Rico ang pinaboran nila.

Ang hit song ni Rico na “Kapalaran” ang unang kinanta ni Rox.

Nang tanghalin siyang daily winner, ang “Tell Me” ni Joey Albert ang inawit niya.

Continue reading below ↓

Napanood namin ang pinag-uusapang episode ng “Tawag ng Tanghalan” ngayong araw.

Kami man ay nahirapan habang pinapanood namin si Rox dahil parang hirap na hirap siya sa pagkanta.

Kaya nang awitin ni Justine ang “One Day,” malinaw sa amin na matatalo niya ang anak ni Rico.

Pero iba ang naging desisyon ng mga hurado na umaani ngayon ng mga batikos.

Sinabi ni Rox na sumali siya sa “Tawag ng Tanghalan” at inawit niya ang “Kapalaran” bilang tribute sa kanyang ama na sumakabilang-buhay noong October 30, 2018.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results