Lumabas na ang matagal nang inilihim ni Aubrey Miles

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2019
PHOTO/S: @sjohnmo on Instagram

Gaya ng kanyang mga magulang, nangangarap na pumasok sa showbiz si John Maurie Obligacion, ang lovechild ng former sexy actress na si Aubrey Miles at ng erstwhile actor na si JP Obligacion.

Eighteen years old na si Maurie, high school graduate na siya at kahapon, magkasama sila ng kanyang stepfather na si Troy Montero na nag-guest bilang mga contestant sa Father’s Day edition ng "Boom," ang popular game show ng Eat Bulaga.

troy montero, john maurie obligacion

Continue reading below ↓

Si Maurie ang matagal na inilihim na anak ni Aubrey nang i-repackage ito bilang sexy star ng Regal Films noong 2002.

Pitong taon na hindi inamin ni Aubrey sa publiko na may lovechild sila ni JP dahil sa kagustuhan niya na magtagumpay siya sa second chance sa showbiz na ibinigay sa kanya.

Bilang isang ina, mabigat sa kalooban ni Aubrey na i-deny ang sariling anak pero nagawa raw niya ito para sa kinabukasan ni Maurie.

Sa kanyang guesting sa defunct show na Showbiz Central ng GMA-7, ten years ago, sinabi ni Aubrey ang dahilan ng paglilihim niya, kasunod ang paghingi ng paumanhin at pang-unawa mula sa publiko.

John Maurie Obligacion, Aubrey Miles

Continue reading below ↓

"I had to do it na ayoko mag-alaga lang ng anak. I had to do something for my life na kailangan kong pagtrabahunan—ayokong humingi sa nanay ko.

“I'm independent so I decided na gagawin ko ito para sa anak ko. I'll do everything for my children.

"Bago ako mag-start, talagang promise ko sa sarili ko na I will give myself six to seven years and then, this is my sixth, almost seventh, sa showbiz so may time talaga na hindi ko siya forever made-deny.

"I'm so sorry if I had to deny it.

"I'm sosorry and sana maintindihan ako ng mga tao."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @sjohnmo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results