Drew Arellano, ibinahagi ang positive effect ng pagkakaroon ng hiwalay na magulang

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Father’s Day man o hindi, hindi nawawala sa alaala ni Drew Arellano ang kanyang ama na si Atty. Aga Arellano, na pumanaw noong May 2013 dahil sa colon cancer.

Ngayong tatay na rin siya ng dalawang bata, ang maging katulad siya ng kanyang ama, na itinuturing niyang best father, ang pangunahing layunin ni Drew.

"The main goal is to be like my father, my father was the best father and he’s hands on despite what happened to the family.

"Despite his work schedule, family came first for him.

"He doesn’t have to be the best husband basta sa mata namin, he’s the best father," sabi ni Drew nang makausap siya ng Cabinet Files sa presscon ng Home Foodie, ang cooking show nila ng kanyang misis na si Iya Villania na napapanood sa GMA-7 mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Unang Hirit.

Lingid sa kaalaman ng marami, pitong taon pa lang si Drew nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, pero hindi ito nagkaroon ng negative effect sa pagkatao niya.

Continue reading below ↓

Lahad niya, "They got separated wayback 1987, I was 7 years old. Mahirap yun.

"Hindi ko alam kung naging normal na yung ganoon sa society ng Pilipinas, pero siyempre sa amin, wala kaming basis for comparison.

"Ang alam lang namin, nagkahiwalay yung nanay at tatay namin na quite weird, quite hard dahil dumating sa punto na weekdays sa mommy, weekends sa daddy, vice versa.

"Kapag mga holidays, pipili ka ng isa, so it’s quite hard.

"Lahat kaming magkakapatid, nag-stay sa father.

"Iba yung relationship namin sa father namin, mas naging kumportable kami.

"Nagkaroon nga ng setup na papalit-palit kami, pero sobrang panalo yung relationship naming magkakapatid.

"Sobra kaming close, kinabahan kami sa bunso namin dahil lalaki siyang hindi normal yung setup.

"We talk about it. Yun naman ang major scare, 'Normal ba tayo? Normal ba yung pag-iisip natin after what has happened to us?'

"And we feel naman na we’re not perfect people but, I think, yung pagpapalaki sa amin—both mom and dad naman—don’t get me wrong...

Continue reading below ↓

"Kadalasan, ang negative effect ng paghihiwalay ng mga magulang ang itinatanong sa mga anak.

"Ano naman ang positive effect?"

Pagpapatuloy ni Drew, "May napanood ako, Ellen DeGeneres is being interviewed by David Letterman sa Netflix series ni David.

"Apparently, lumaki si Ellen sa dalawang magulang na hindi naghiwalay, pero yung pagmamaltrato nila sa isa’t isa, pangit.

"So, yung conclusion ni Ellen, mas okey na naghiwalay pala.

"Hindi yung parating iniisip ng mga tao na kapag naghiwalay, masama na.

"Kay Ellen, mas okey na naghiwalay na ang kanyang mga magulang para hindi nakita ng mga anak kung ano ang masamang nangyari.

"So for us, it’s probably fate, it was probably a good thing na naghiwalay para hindi na namin nakita yung away. Hindi namin na-experience."

Yung mga nangyari sa mga magulang mo, hindi mangyayari sa inyo ni Iya?

"Malaking bagay na nangyari yun at malaking bagay na alam kong ayokong mangyari yun sa akin.

Continue reading below ↓

"Ganoon naman yun, pagkakamali ng iba, we learn from that.

"Suwerte ka dahil sila ‘yung nagkamali," sabi ni Drew.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results