Mister ni LJ Moreno na si Jimmy Alapag, kinuhang assistant coach ng Sacramento Kings

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2019
PHOTO/S: Instagram

Memorable ang Father’s Day celebration ngayon para kay LJ Moreno at sa kanyang asawa na si former PBA player-turned-basketball coach Jimmy Alapag.

Ito ay dahil sa bagong responsibilidad ni Jimmy, ang pagiging assistant coach ng Sacramento Kings sa Summer League ng NBA na magsisimula sa July 5 at magaganap sa Las Vegas, Nevada.

Lilipad si Jimmy sa Sacramento, California sa June 26 para sa training ng Sacramento Kings bago sila sama-samang pumunta sa Las Vegas.

Malaki ang pasasalamat at tumatanaw si Jimmy ng malaking utang na loob mula sa kanyang kaibigan na si Vlade Divac, ang chairman ng FIBA Players Commission at general manager ng Sacramento Kings.

Si Divac ang nag-imbita kay Jimmy para maging assistant coach ng sikat na NBA team na itinuturing ng former PBA player na malaking karangalan para sa Pilipinas.

Gaya ni Jimmy, overwhelmed din si LJ sa oportunidad na natanggap ng asawa niya kaya nagpapasalamat siya sa Panginoon.

Continue reading below ↓

Ito ang Father’s Day message ni LJ para kay Jimmy:

"Happy Father's day to our superman @jalapag3.

"Can't tell you enough how proud the kids and I are of you.

"So excited to see what God has planned for your career and where all this will take us!

"Always remember that we will be here to support... Even if it means taking me out of my comfort zone.

"Thank you that no matter how busy you are sometimes you still make it a point to show us that we're your priority.

"We love you and appreciate you my love!"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results