Anak ni Mayor-elect Isko Moreno, desididong pumasok sa showbiz

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2019
PHOTO/S: Rose Garcia / Facebook

Hindi nag-iisa ang anak ni Aubrey Miles na si Maurie Obligacion sa pangarap nitong maging artista.

Ito rin ang ambisyon ni Joaquin "JD" Domagoso, ang 17-year-old son ni Manila City Mayor-elect Isko Moreno.

Hindi lamang ang showbiz career ni Isko ang nais na sundan ni JD dahil balang-araw, may plano rin siyang pumasok sa mundo ng pulitika.

Ang mag-ama ang featured guests sa Father’s Day episode ng "Star Buzz," ang wacky segment ng Sunday PinaSaya ng GMA-7.

Dito sinabi ni JD ang kanyang intensiyong mag-artista.

“Sa darating na panahon, magso-showbiz muna po ako, tatapusin ko yung pag-aaral ko, it’s not a closed door.

"I think, one day I can go into politics and follow the footsteps of my dad.

"Abangan niyo po ako sa Studio 7 and furthermore, in GMA.

"I will continue to be a Kapuso forever," may katiyakang pahayag ng aspiring actor son ni Isko.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

triplets?!?!

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso) on

MANILA IS MAYOR ISKO'S PRIORITY

Nagbitaw naman si Isko ng salita na priority niya ang kanyang constituents sa Maynila kaya pahinga muna siya sa showbiz.

Kung hindi pa sinabi ni Isko, hindi malalaman ng viewers ng Sunday PinaSaya na 1.8 million sa gabi at 3 million sa araw ang bilang ng mga tao sa Maynila.

"Ang laki ng utang na loob ko sa industriya ng showbiz, sa fans, yung batang ‘90s.

"But the thing is, being the mayor of City of Manila at1.8 million nightime and 3 million daytime, it’s going to be challenging.

"Kaya nahihiya rin naman ako sa mga taga-lungsod ng Maynila na hahatiin ko pa yung oras ko sa paglilingkod para lang mag-showbiz.

"So, I think, wala. It’s no-no for now. Talagang focus muna sa public service."

Ipinakita rin nina JD at Isko ang dancing skills nila sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Budots, pero nilinaw ng newly-elected mayor ng Maynila na tuwing halalan, seryoso siya sa pangangampanya.

Continue reading below ↓

"Kapag halalan, as you can see sa mga footage o social media namin, mapapansin ninyo, seryosong-seryoso kami noong kampanya, because we really try to take it seriously because issues 'yan ng taumbayan.

"There is time for fun, pag fiesta, kumakanta ako, nagpapa-bingo ako, di ba?

"Pero kapag panahon talaga ng kampanya, I really dedicate my time in sending the message sa tao."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results