Julie Anne San Jose, proud sa pagpasok ni Enzo Almario sa Top 20 ng Idol Philippines

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN

Proud and happy si Julie Anne San Jose para kay Enzo Almario dahil nakapasok ito sa Top 20 contestants ng Idol Philippines, ang reality singing competition ng ABS-CBN.

May dahilan si Julie Anne para maging masaya dahil matagal na silang magkaibigan ni Enzo.

Nagsimula ang friendship ng dalawa nang maging miyembro sila ng Sugarpop, ang child musical group na binuo ng GMA-7 noong 2006.

Bukod kina Julie Anne at Enzo, mga miyembro rin ng Sugarpop sina Rita Daniela (formerly Rita Iringan), Pocholo Bismonte, at Vanessa Rangadhol.

Dahil visible ngayon sina Enzo at Rita, ang plano na reunion concert ng Sugarpop ang aming itinanong kay Julie Anne sa presscon ng The Sweetheart and The Balladeer: Fun Night Only, ang concert nila ni Christian Bautista sa July 6 sa The Atrium ng Limketkai Center, Lapasan, Cagayan de Oro City.

"Hindi pa po ako sure," sagot ni Julie Anne.

Pero tiniyak niya ang balak na reunion concert ng kanilang grupo na binuwag noong 2009.

Continue reading below ↓

"Magkakaiba kasi ang schedule namin. Yung isa, sumali sa Idol Philippines.

"Sobrang proud ako sa kanilang lahat."

At dahil proud si Julie Anne para sa dating mga kasamahan, hiningi na rin namin ang reaksyon niya sa proud na pag-amin ni Enzo na member ito ng LGBTQ community.

"I’m very happy for him, very happy!" sagot niya.

Noong mga bata pa lang kayo, alam mo na ang sexual preference niya?

"Hehehehe, he never really opened to us, to me about it.

"We just found out noong nag-reunion kami [June 2018]. I’m just very happy for him.

"Sabi ko, 'As long as masaya ka, susuportahan kita.'

"'Coz noong mga bata pa lang kami, magkakakilala na kami. Kumbaga, magkakasama na kaming lumaki."

Postcript: Kung pinalad si Enzo na makabilang sa Top 20 contestants ng Idol Philippines, nabigo naman sina Alyssa Quijano at Kier King na matupad ang pangarap maging finalist ng nabanggit na programa.

Continue reading below ↓

Hindi nakatulong kay Alyssa ang pagiging ex-girlfriend niya ni Jake Zyrus at walang epekto ang pagpapalit ni Kier ng pangalan.

Si Kier ang dating Ralf King na vocalist ng One Up boyband ng GMA-7.

Sa kanyang audition sa Idol Philippines, hindi ipinagtapat ni Kier na former talent siya ng GMA Artist Center dahil mas pinili niyang i-dramatize ang buhay sa pamamagitan ng kuwento tungkol sa paghahati-hati nila ng kanyang pamilya sa pagkain ng sardinas.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results