Ai-Ai delas Alas, gusto nang magka-love life si Alden Richards

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Ogie Narvaez Rodriguez

Ngayong gabi, June 17, ang red-carpet premiere sa SM Megamall Cinema ng Feelennial, ang comedy movie nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Bago pumunta sa premiere ng Feelennial, humarap muna si Ai-Ai sa entertainment writers at nagkuwento tungkol sa benefit concert niya sa June 24 sa Smart Araneta Coliseum para sa construction ng Kristong Hari Basilica sa Commonwealth, Quezon City.

Kasama si Alden Richards sa mga special guest sa fund-raising show ni Ai-Ai kaya puring-puri nito ang aktor na basta hindi busy, sumisipot sa mga imbitasyon niya, lalo na kung makakatulong sa simbahan at sa mga taong nangangailangan.

"Parati ‘yan. Pangalawang beses na niyan sa akin, pati si Erik Santos.

"Parati silang pumapayag sa akin basta wala silang trabaho. Talagang yung batang yun, the best!" sabi ni Ai-Ai tungkol kay Alden.

Mahal mo si Alden?

"Sobra, parang anak ko yun."

Gusto mo na siyang magkaroon ng love life?

"Oo, gusto ko na siyang magkaroon ng love life kasi parang pagod na pagod na siya sa work.

Continue reading below ↓

"Gusto ko naman, meron siyang happiness.

"Oo, happy siya sa family niya, pero iba yung happiness na naibibigay sa 'yo ng love life."

Binibiro mo siya tungkol sa love life?

"Oo. 'Ano, sino ang nililigawan mo?'

"Minsan, nagsasabi. Minsan, nagsisikreto. Depende sa mood niya."

Tinanong mo ba siya kung totoo nang ma-link siya kay Winwyn Marquez?

"Walang lumalabas sa boses ko… bigla akong napaos," halos speechless na reaksiyon ni Ai-Ai.

Hindi mo siya tinanong?

"Tinanong… ayoko nang sagutin ‘yan. Hahahaha! Ano ba ‘yan?!"

Pero kung may alam ka man, hindi mo ise-share?

"Hindi! Siyempre, kapag sinabi niya, 'Miss Ai, huwag mong sabihin, ha?' Alangan naman sabihin ko yun.

"Kapag sinabi niya na, 'Uy, Miss Ai, promise mo, ha?' 'Oo, promise.'

"Kapag nag-promise naman ako, hindi ako nagsasalita."

Kung ikaw ang pipili ng gusto mong maging girlfriend ni Alden, sinong bet mo?

"Parang ayokong ma-bash! Puwede, parang awa niyo naman, please?

Continue reading below ↓

"Huwag naman ngayon, may pelikula ako.

"Patapusin niyo muna yung movie saka yung concert, sasagot ako!

"Huwag naman ngayon, not now, please," pakiusap ni Ai-Ai, na halos maloka sa mga tanong na narinig kaya sinumbatan niya ang mga kaharap na reporter dahil siya ang tinatanong tungkol sa personal life ni Alden.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Ogie Narvaez Rodriguez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results