Feelennial nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani, unexpectedly good and funny

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit sa June 19 pa ang playdate ng Feelennial sa mga sinehan, puwede nang i-claim ni Pops Fernandez na tagumpay ang unang pagtatangka niya bilang movie producer dahil napakaganda ng comedy movie na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Masigabong palakpakan at mga papuri ang tinanggap ng Feelennial pagkatapos ng successful red-carpet premiere na ginanap nitong Lunes ng gabi, June 17, sa SM Megamall Cinema.

Nang pumasok kami sa loob ng sinehan, wala kaming mga expectation dahil first time namin na mapapanood sina Ai-Ai at Bayani sa isang pelikula.

Hindi namin inaasahang napakalakas ng kanilang chemistry at, mula umpisa hanggang katapusan, tawanan nang tawanan ang manonood na sinasabayan ng malalalim na buntong-hininga ang mga hugot line nina Ai-Ai at Bayani.

Feelennial ang pamagat ng pelikula, pero hindi lamang ito para sa mga feeling millennial dahil siguradong makaka-relate ang mga tunay na millennial na nanguna sa pagpalakpak at priceless ang reaksiyon sa mga wacky scene ng lead characters.

Continue reading below ↓

Once again, pinatunayan ni Ai-Ai na siya ang undisputed Comedy Queen ng Pilipinas.

Naniniwala kami na ang Feelennial ang muling bubuhay sa career ni Bayani bilang movie actor dahil sa kanyang napakalakas at effective na deadpan humor.

Kung nagustuhan ng mga Pilipino ang Hollywood Netflix movie na Always Be My Maybe, imposibleng hindi sila matawa at mag-enjoy sa Feelennial na dapat tangkilikin dahil sa sobrang kasiyahang hatid ng pelikula sa manonood.

Ang Feelennial ang debut movie ng television series director na si Rechie del Carmen.

Hindi nagkamali si Pops na ipagkatiwala kay Rechie ang direksiyon ng Ai-Ai-Bayani starrer dahil mahusay ang pagkakalahad niya sa kuwento ng pelikula at talagang nakakatawa ang mga eksena.

Pagkatapos ng Feelennial, inaasahan naming masusundan pa ang mga movie assignment ni Rechie.

Si Rechie ang bagong simbolo ng pag-asa para sa moviegoers na matagal nang naghahanap ng isang direktor na mahusay gumawa ng comedy film, na forte ng yumaong filmmaker na si Wenn Deramas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results