Manhunt International World Final, gaganapin sa Pilipinas sa February 2020

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naririto sa bansa ang Manhunt International Executive President na si Rosko Dickinson at si Manhunt International 2018 winner Vincent Llorach Gonzales ng Spain.

Ito ay dahil sila ang special guests sa official announcement na ang Pilipinas ang napiling host country para sa world final ng Manhunt, ang sikat na international male modelling competition, sa 2020.

Dumalo rin sa media launch ngayong hapon, June 18, si Jonas Gaffud, ang Manhunt International Philippines National Director at punong-abala sa malaking event na idaraos sa February 2020.

Dire-diretsong pahayag ni Dickinson:

"I am so happy to be invited to the Philippines to announce it here today because we have a country, a very special country, we're holding the world final.

"I can tell you now and it gives me a great pleasure to announce that the 20th edition of Manhunt International will be held once again here in Manila, the Philippines!

"There will be delegates from other forty countries coming to the Philippines and they will be here from the 15th to the 23rd of February 2020.

Continue reading below ↓

"Furthermore, I can announce that the world final gala night will be held in Manila on the 22nd of February, and for everybody counting, that's 247 days from now."

Ang gaganaping competition sa 2020 ay 20th edition na ng Manhunt International.

Si June Macasaet ang unang Pilipino na nanalo ng Manhunt International title noong 2012.

Umaasa si Dickinson na magkakaroon ng panahon si Macasaet na mag-participate sa Manila staging ng Manhunt International sa February 2020.

Postscript: Mula sa Spain, dumating kagabi sa Pilipinas si Vincent Gonzales na tuwang-tuwa sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

Sa tulong ng isang interpreter, sinabi ni Gonzales na very welcoming ang mga Pilipino.

Ang Intramuros at Divisoria ang ilan sa mga lugar sa Maynila na nakatakdang puntahan ni Gonzales bago ito bumalik sa Spain sa Biyernes, June 21.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results