Gazini Ganados at Bea Patricia Magtanong, nagkapalit ng titles sa Binibining Pilipinas?

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Bb. Pilipinas Facebook

"I am kept in the dark dito sa isyu na 'to."

Ito ang reaksiyon ng beauty-queen maker at creative director sa Pilipinas ng Miss Universe Organization tungkol sa lumalaking kontrobersya sa pagitan nina newly-crowned Miss Universe Philippines Gazini Ganados at Bb. Pilipinas-International Bea Patricia Magtanong.

Ilang araw nang pinag-uusapan ang isyu na, diumano, si Bea ang tunay na nanalo ng Miss Universe Philippines 2019 crown.

Pero may isang insider na nagprotesta na green-card holder si Bea kaya ibinigay kay Gazini ang much-coveted beauty title.

Reportedly, magpapadala ng sulat ang mga supporter ni Bea kay Miss Universe Organization President Paula Shugart dahil baka sakaling makatulong ito para malutas ang problema.

Marami ang naniniwalang Miss Universe-material si Bea dahil bukod sa kanyang Filipina beauty, mahusay magsalita at sumagot ang Bataan representative, ganap na ang pagiging lawyer niya, at siya lang ang puwedeng itapat kay Miss Universe USA Cheslie Kryst na lawyer din ang propesyon.

Continue reading below ↓

"Puro hearsay lang at lagi kong sinasabi na kung walang proof, hearsay lang siya, so hindi ko alam kung saan nanggagaling ang isyu," karugtong na sagot ni Jonas tungkol sa isyu na masugid na sinusubaybayan ng mga beauty pageant aficionados.

Nasaksihan ba niya ang deliberation ng Binibining Pilipinas judges sa pagpili ng winners noong June 9, 2019

"Ay, wala ako doon. Hindi pa ako welcome doon," sabi ni Jonas.

Kapag greencard holder ba ang isang kandidata, hindi niya puwedeng i-represent ang Pilipinas sa Miss Universe?

"Hindi ako privy sa contract ng national director sa Miss Universe at hindi rin ako lawyer so hindi ko alam yung nakasulat," saad ni Jonas.

Iba ang kaso ni Venus Raj na muntik nang ma-dethrone na Bb. Pilipinas-Universe noong 2010?

"Ay, iba yun," sabi ni Jonas, na nakapanayam ng mga miyembro ng media sa official announcement na idaraos sa Pilipinas sa February 2020 ang 20th edition ng Manhunt International.

Continue reading below ↓

MANHUNT INTERNATIONAL

Hindi makapaniwala si Jonas na darating ang araw na siya ang magiging national director ng Manhunt International Philippines.

Fourteen years old pa lamang si Jonas nang magsimula ang Manhunt International at ngayon, siya ang dahilan kaya gaganapin sa Pilipinas ang world final ng modelling competition para sa mga kalalakihan.

"Nagugulat nga ako, katulad sa Miss Universe, ganoon din ang gulat ko.

"Parang hindi ko naman inaakala na mai-involve ako.

"May plan kasi in life is you do your best in everything you do and then you deliver kapag may ibinigay sa 'yo na job.

"Nape-pressure ako na kailangan ko mag-deliver.

"Sa Miss Universe, nade-deliver ko naman, so dito sa Manhunt International, hindi pa kasi hindi pa ako sanay sa pure male contest."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Bb. Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results