Dalawang helicopters ni Willie Revillame, nagkakahalaga ng P97M

by Jojo Gabinete
Jun 20, 2019

Maliban sa "isang achievement na natuto siyang magpalipad ng helicopter," wala nang ibang sagot si Willie Revillame sa aming tanong kung bakit naisipan niyang pag-aralan ang pagpapalipad ng helicopter.

Isang malapit kay Willie ang aming sinuyo at kinumbinsing magsalita kaya nalaman naming dalawa ang helicopter na pag-aari ng popular television host—isang Robinson R44 at Robinson R66 Turbine.

Authority naman sa mga helicopter ang tinanong namin tungkol sa presyo ng nabanggit na helicopter.

Ayon sa kanya, naglalaro sa P35 million ang presyo ng Robinson R44 samantalang US$1.2 million ang halaga ng Robinson R66 Turbine.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaroon ni Willie ng dalawang helicopter ang dahilan kaya may mga hangar ang lahat ng mga property niya—ang Wil Tower Mall sa Quezon City, ang boutique hotel sa Tagaytay City, at ang kanyang beachfront private resort sa Puerto Galera.

Sanay na ang mga residente ng Tagaytay City na nakikita si Willie na sakay ng helicopter nito kapag naglalaro siya ng golf sa Midlands ng Tagaytay Highlands at kapag nag-aalmusal siya sa Boracay at sa isang popular restaurant sa Tagaytay City.

Kahapon, June 18, isang aktor na naghahanap ng venue para sa kanyang birthday party ang sinamahan namin sa events place ni Willie sa 42nd floor ng Wil Tower Mall.

Impressed na impressed ang aktor sa ganda ng events place na under construction sa kasalukuyan dahil pinalalagyan ni Willie ng additional elevator para hindi mahirapan ang mga guest na umakyat sa bar na matatagpuan sa hangar na pinagpaparadahan ng mga helicopter niya.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng mga tagumpay na tinatamasa ngayon ni Willie, low-profile pa ito dahil kapag tinatanong tungkol sa kanyang mga acquisition, matipid ang mga sagot niya at kung minsan, hindi na siya sumasagot.

Marami ang natutuwa para sa success ni Willie na isang inspirasyon sa mga nangangarap na magkaroon ng magandang buhay.

Mula sa pagiging drummer at tagalinis ng drums na kumikita ng P50 bawat araw, nakikitulog sa sofa sa bahay ng kanyang mga kaibigan, at palipat-lipat na sumasakay ng jeep para mag-report sa mga gig ng kanilang banda, malayung-malayo na ang narating at naabot ni Willie.

Hindi naman nalilimutan ni Willie ang mga hirap at pagsubok na pinagdaanan kaya sa abot ng makakaya niya, tumutulong siya sa mga mahihirap at nangangailangan sa pamamagitan ng Wowowin. Incidentally, may public clamor na magkaroon ng Saturday edition ang Wowowin pero hinihintay lamang ang desisyon ni Willie kung pagbibigyan niya ang kahilingan ng loyal viewers ng kanyang top-rating game show sa GMA 7.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results