Eddie Garcia, hindi natapos ang shooting ng huling comedy film niya

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2019
PHOTO/S: Artu Nepomuceno for Esquire Philippines

Ang Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ng Viva Films ang huling comedy movie ng legendary actor na si Eddie Garcia.

Pumanaw si Eddie noong June 20, Huwebes, sa Makati Medical Center dahil sa neck at cervical fracture.

Hindi na natapos ng veteran actor ang pelikulang may tentative playdate sa September 2019 dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya.

May one shooting day pa si Eddie para sa pelikulang pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Andrew E., at Dennis Padilla.

Pero puwedeng magawan ng solusyon ang kanyang mga hindi natapos na eksena, ayon sa isang production insider.

Ang Sanggano, Sanggago at Sanggwapo ang sequel ng Sanggano, Sanggago, ang 2001 comedy film ng Viva Films.

Sina Eddie at Bayani Agbayani ang mga bida noon sa pelikula na mula sa direksiyon ni Al Tantay, na siya ring direktor ng 2019 version.

JANNO GIBBS PAYS TRIBUTE TO EDDIE GARCIA

Kabilang ang Sanggano, Sanggago, Sanggwapo co-star ni Eddie na si Janno Gibbs sa mga nagluluksa sa kanyang pagpanaw.

Continue reading below ↓

Nagkasama ang dalawa sa pelikula at sitcom kaya apektado si Janno ng pagkawala ng veteran actor.

Itinuturing si Eddie na larger-than-life, icon sa Philippine cinema, parang immortal at walang karapatang mamatay kaya marami ang hindi makapaniwalang wala na siya, sa kabila ng mga medical bulletin na kritikal ang kundisyon niya habang nakaratay sa Makati Medical Center.

Mensahe ni Janno: "Paalam Manoy, mahal kita."

View this post on Instagram

Paalam Manoy! Mahal kita

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs) on

Dagdag pa ni Janno, "It was an honor to share the screen with you on 'Mauna ka Susunod Ako'.

"Still one of my fave movies I've made.

"We even had our own sitcom on GMA 'Si Manoy at Si Mokong'.

"It is bittersweet that the last movie you completed will be with me Dennis and Andrew.

"It seemed to bring you joy everytime I imitated your voice infront of you, so I say this in your voice "Paalam Manoy. Mahal kita.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Artu Nepomuceno for Esquire Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results