Phillip Salvador, nagbigay-pugay bago i-cremate si Eddie Garcia

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2019
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

Tiniyak ni Phillip Salvador na makikita niya ang lifeless body ng legendary actor na si Eddie Garcia bago ang cremation nito noong Biyernes ng madaling-araw, June 21.

Itinuturing ni Phillip na masuwerte ang sarili dahil nabigyan siya ng pagkakataong makapagbigay-pugay sa pumanaw na aktor.

"Amerikana" ang sagot ng multi-awarded actor nang itanong ng Cabinet Files ang damit na suot ni Eddie nang sunugin ang bangkay nito.

Continue reading below ↓

"Greatest actor" at "great actor" naman ang sinabi ni Phillip nang tanungin tungkol sa description niya sa 90-year-old actor.

"Nakatrabaho ko si EG [Eddie Garcia] bilang direktor sa Sinasamba Kita noong 1982," pagtukoy ni Phillip sa pelikulang pinagbidahan nila nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Lorna Tolentino.

"Nanalo siya noon ng best director award at magaling siyang direktor dahil tiniyak niya na nakasentro sa aming apat ang kuwento ng pelikula.

"Maraming beses kami na nagkasama sa mga pelikula.

"Magkaibigan kami at at kahit bihira kami na magkita, marami kaming kuwento kapag nagkakasama kami.

"Malaking kawalan si EG sa industriya.

"Malaking karangalan at malaking blessing para sa akin na nakatrabaho ko siya sa maraming mga pelikula," pahayag ni Phillip sa Cabinet Files.

Ang 35th Star Awards for Movies na ginanap noong June 2 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang huling public appearance ni Eddie bago ito naaksidente sa taping ng Rosang Agimat noong June 8, 2019.

Continue reading below ↓

Huling nagkita nang personal sina Eddie at Phillip sa 35th Star Awards for Movies dahil kabilang sila sa 12 artista na pinarangalan bilang mga Natatanging Bituin ng Siglo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results