Maureen Wroblewitz, tinanggal na sa Eat Bulaga?

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2019
PHOTO/S: Instagram

Noong June 22 ang 21st birthday ng model-television host na si Maureen Wroblewitz, pero hindi siya nagkaroon ng celebration sa Eat Bulaga.

In fact, marami ang nagtataka dahil matagal nang hindi napapanood si Maureen sa popular noontime program ng GMA-7.

Ang sudden disappearance ni Maureen sa Eat Bulaga! ang dahilan kaya naghahanap ng sagot ang fans at supporters ng unang Pilipina na nagwagi sa fifth season ng Asia’s Next Top Model noong June 2017.

Bukod sa birthday greetings, "Bakit hindi ka na napapanood sa Eat Bulaga at kailan ka babalik sa show?" ang ilan sa mga itinatanong kay Maureen ng kanyang Instagram followers.

Pero hindi siya sumasagot.

Nag-umpisa noong September 2018 ang co-hosting stint ni Maureen sa Eat Bulaga!, pero hindi na siya napapanood mula pa noong nakaraang buwan.

Tanging si Maureen ang makakasagot at makapagkukumpirma sa katotohanan tungkol sa kumakalat na isyu na, diumano, wala na siya sa Eat Bulaga! dahil hindi nagkaroon ng improvement ang kanyang hosting skill kaya limitado ang kontribusyon niya sa show.

Continue reading below ↓

Regular viewer kami ng Eat Bulaga! kaya napansin naming matagal nang missing in action si Maureen.

Hindi rin nakaligtas sa aming matalas na paningin ang malamya at kulang sa sustansiyang performance ni Maureen bilang co-host ng Eat Bulaga.

Kaya hindi na namin ipinagtaka ang short-lived stint niya sa noontime program, na ipinagdiriwang ngayong 2019 ang 40th year sa telebisyon.

Lumakas ang haka-haka na tinanggal na si Maureen sa Eat Bulaga! dahil "former co-host" na lang ang description sa kanya sa Wikipedia page ng sikat na noontime show ng Kapuso Network.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results