Jolo Revilla at Angelica Alita, ikakasal na sa December 2019

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2019
PHOTO/S: Jolo Revilla Instagram

Engaged na sina Jolo Revilla at ang kanyang girlfriend na si Angelica Alita.

Ito ang haka-haka ng marami dahil sa suot na singsing ng 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2016 sa litratong naka-post sa Instagram account ng incumbent vice governor ng Cavite noong May 28, 2019.

Walang denial o kumpirmasyon mula sa kampo nina Jolo at Angelica tungkol sa isyu kaya clueless ang lahat.

View this post on Instagram

Ang tamis naman.. ang lagkit pa ng tingin! ????

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

Inaasahan din ang pagsali ni Angelica sa Binibining Pilipinas 2019 na naganap noong June 9, pero hindi siya sumipot hanggang matapos ang screening.

Apparently, wala nang balak si Angelica sumali sa mga beauty pageant dahil nagbago na ang kanyang mga priority.

Hindi lamang basta engaged sina Jolo at Angelica dahil pinaghahandaan na nila ang kanilang pagpapakasal sa December 2019.

Isang linggong nagbakasyon ang dalawa sa Amerika noong nakaraang buwan dahil naghanap sila ng lugar na pagdarausan ng pag-iisang-dibdib nila.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano nina Jolo at Angelica, magaganap ang pagpapakasal nila sa Pelican Hill, Newport Beach, Southern California.

Continue reading below ↓

Nagustuhan ng soon-to-be husband and wife ang Pelican Hill dahil very romantic ang lugar na overlooking sa Pacific Ocean, may panoramic views ng canyons at city lights.

Ang Pelican Hill ang ibinotong number one resort sa Southern California ng Conde Nast Traveler noong 2013.

Read Next
Read More Stories About
Jolo Revilla, angelica alita
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jolo Revilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results