Marco Gumabao, perfect maging Philippine rep sa Manhunt International

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2019
PHOTO/S: Michael Gumabao Instagram

Si Marco Gumabao ang nakikita ni Jonas Gaffud na puwedeng mag-represent sa ating bansa sa 20th edition ng Manhunt International na idaraos sa Pilipinas sa February 2020.

Si Jonas ang national director ng Manhunt International Philippines.

Naniniwala siyang malaki ang tsansa ni Marco na manalo kung sasali ito sa modelling competition na magaganap sa November 2019.

Unfortunately, wala sa mga balak ni Marco ang sumali sa Manhunt International Philippines dahil nangingibabaw ang pagiging mahiyain niya, kahit marami ang nagsasabi na sure winner siya.

Besides, mas gusto ni Marco na mag-concentrate sa flourishing acting career niya, lalo na ngayong buong-buo ang tiwala sa kanya ng Viva Films na patuloy na binibigyan siya ng mga challenging role sa pelikula.

“I hope na magampanan ko nang maayos ang lahat ng role na ibinibigay sa akin at sana, yung trust nila sa akin, maibalik ko in a way na magawa ko ang mga responsibility ko as an artist.

Continue reading below ↓

“At the end of the day, I just offer everything to God.

"Lahat ng mga ginagawa ko, para sa Kanya kaya madalas may pressure talaga.

“But once na i-offer ko kay God ang lahat ng mga ginagawa ko, nababawasan ang kaba ko.”

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang lumipat si Marco sa Viva Artists Agency.

Ayon sa kanya, nararamdaman at nakikita niya ang malaking pagbabago.

“Ibang Marco na po ako after two years, mas double ako sa work responsibility.

"Binawasan ko na ang fun nights ko dahil may weeks na straight work ako.

“Rather than going out, ipapahinga ko na lang.

"Mas mature na rin ako ngayon sa mga experience at yung roles na natatanggap ko, not just a simple role, but a role that marks in my life," sabi ni Marco.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Michael Gumabao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results