Leakage ng unconfirmed entries para sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ikinabahala ng screening committee

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2019

Sa July 11, 2019 ang announcement sa walong pelikula na opisyal na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap simula September 13 hanggang September 19.

Pero may mga naglabas na ng diumano’y kumpletong listahan sa kabila ng naunang pahayag ng selection committee na tatlo pa lamang ang tiyak na kasali:

  1. Cuddle Weather ng Regal Entertainment Inc. at Project 8 corner San Joaquin Projects

  2. Panti Sisters ng The Idea First Company, at

  3. Last Song Syndrome ng Globe Studios

Ang I’m Ellenya L. ng Spring Films, Open ng Blacksheep at T-Rex Entertainment, Watch Me Kill (na pinagbibidahan nina Jean Garcia at Jay Manalo), Lola Igna at G-Mcoy ang lima sa mga pelikulang sinasabing kukumpleto sa eight official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino na pinabulaanan ng isang insider dahil hindi pa umano tapos sa pagpili ang selection committee.

Naglabas din ng official statement ang screening committee ng PPP tungkol sa isyu.

“As of this moment, there are only 3 films officially included in PPP 2019. These are: (a) LSS (b) Cuddle Weather and (c) Panti Sisters.

“The others to be included in the September festival will be OFFICIALLY announced on 11 July 2019.

Continue reading below ↓

“The Selection Committee has yet to confirm with other stakeholders in the festival regarding the titles of the other films to be listed in the celebration.”

Nadagdagan ang intriga sa 3rd edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa akusasyon na dalawa sa pelikula na opisyal na kalahok ang lumabag sa breach of confidentiality.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results