Donnalyn Bartolome, muntik nang mag-quit sa showbiz

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naka-recover na si Donnalyn Bartolome mula sa trauma na epekto ng bashing at bullying na naranasan niya nang ipalabas sa mga sinehan noong July 2018 ang controversial movie na Jacqueline Comes Home, ang movie adaptation ng karumal-dumal na pagpaslang sa Chiong sisters ng Cebu City noong July 1997.

Ang mga batikos at bullying na natanggap ni Donnalyn na gumanap bilang Marijoy Chiong sa Jacqueline Comes Home ang muntik nang maging mitsa para talikuran niya ang showbiz.

“Lahat naman yata ng artista, dadaan sa ganoon.

“Pero I guess, yun ang first for me kaya medyo I had to step back.

“Bago pa lang ako sa pag-aartista and I started online, so noong I had the taste of that, I had to decide,” kuwento ni Donnalyn na hindi itinuloy ang balak na iwanan ang entertainment industry dahil marami ang nagtanggol sa kanya.

To date, may 4.8 million Facebook followers si Donnalyn at 1.3 million followers naman sa Instagram.

Continue reading below ↓

Hindi inisip ni Donnalyn na darating ang araw na magiging online sensation at contract artist siya ng Viva Artists Agency.

Dahil sa kanyang mga karanasan bilang online sensation, naniniwala si Donnalyn na mas friendly ang online world kesa sa showbiz.

Pagkumpara niya, “Iba ang crowd. I feel na mas friendly ang online world. For me lang po, sa experience ko.

“Mas marami nga po ang work from online like yung pagre-release ko ng music video, pagpu-promote ko ng 'Di Na Lahat.'”

Ang “Di Na Lahat” ang bagong single ni Donnalyn mula sa kanyang Viva Records album na Surprise.

Umabot sa halos dalawang milyon ang views sa “Di Na Lahat” sa unang beses na uploading nito sa YouTube noong June 12, 2019.

Concept ni Donnalyn ang music video ng “Di Na Lahat” at idea niya na magkaroon ng cameo appearances sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, Sue Ramirez at Yassi Pressman.

Continue reading below ↓

Siya rin ang producer ng Happy Breakup, ang DIY full-length movie na may 11 million YouTube views na patuloy pa ring tumataas.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results