Coney Reyes at Vic Sotto, dumalo sa oath-taking ni Vico Sotto

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2019
PHOTO/S: Coney Reyes Instagram

Naganap ngayong araw ng Linggo, June 30, sa magkakahiwalay na lugar ang oath-taking ng tatlo sa mga popular personality na may koneksyon sa showbiz at nanalo sa midterm polls noong May 13, 2019.

Ito ay ang re-elected Ormoc City Mayor na si Richard Gomez, at ang mga bagong halal na alkalde ng Pasig City at Manila, respectively: sina Vico Sotto at Isko Moreno.

Naganap ang proclamation kay Richard sa Ormoc Superdome.

View this post on Instagram

Sharing here some points I addressed in my inaugural address this afternoon. ...Tomorrow, we will also be launching the modernization program of our transportation system using electronic jeepneys, in line with the national program. This is to address the growing transportation needs of our people that have fallen prey to opportunism, to the detriment of the riding public. ...I would also like to increase our capability to respond to disasters. The year 2018 and the first half of 2019 have been kind to Ormoc. There were no life-threatening calamities, but we cannot be complacent. We have to be ready for eventualities. We will be acquiring more ambulances, water trucks and fire trucks. We will put more AED’s in big barangays, and will continue to support programs on disaster prevention. ...We must also ban the use of single use plastics by 2021. We have to be decisive in this area if we must save Mother Earth for our children and their children. ...I have so many plans for Ormoc, and I would always like to emphasize that I will always have the best intention for Ormoc City. That all my decisions, and that of the Ormoc Development Team, will always redound to what is good for the majority. In the Gomez administration, our motto is “Serbisyo, Dili Negosyo.” ...The past three years were challenging, but it was made easier and meaningful by the cooperation of Ormocanons who readily gave their time, talent and resources, to help the City in every way they come. To everybody, please continue to walk with me as we journey together in the next three years and make Ormoc a better city. Let’s Get Ormoc Moving Ahead.

A post shared by Richard Gomez ???????? (@richardgomezinstagram) on

Ang Manila City Hall ang naging venue ng oath-taking ceremony para kay Isko.

Continue reading below ↓

Nangyari naman sa Pasig City Sports Center ang panunumpa ni Vico.

Dahil siya ang pinakabata at baguhan sa public service, ang inaugural kay Vico bilang alkalde ng Pasig City ang nag-trending.

Nakadagdag din sa interes ng publiko ang pagdalo nina Vic Sotto at Coney Reyes sa importante na okasyon sa buhay ng kanilang anak.

Sa kanyang talumpati, muling ikinuwento ni Vico ang reaksyon nina Vic at Coney nang sabihin niya ang plano na pagkandidato bilang alkalde ng Pasig City.

“Naalaala ko pa nung una kong sinabi sa aking mga magulang na tatakbo ako para mayor, dalawang araw bago yung deadline para sa filing ng kandidatura.

“Una ko pong sinabihan ang aking nanay. Kumakain kami ng hapunan. Sabi ko, 'Ma, nagdesisyon na ako na tatakbo ako para mayor.'

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Halos mabulunan siya sa sinigang na baboy na kinakain niya.

“Pagkatapos naming mag-usap ni Mama, tinawagan ko naman po ang aking tatay. Sabi ko, Pa… “

Continue reading below ↓

Sabi niya, ‘Anong balita, napatawag ka?’”

“Sabi ko, nagdesisyon na ako. Tatakbo ako para mayor.”

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin...

“Ang sabi po niya sa akin…. [hindi nagsalita si Vic]. Yun po ang sabi niya,” kuwento ni Vico na sinalubong ng malakas na tawanan ng mga sumaksi sa kanyang panunumpa..

“Hindi po naging madali ang paglaban natin. Hindi naging madali para sa akin, para sa aking pamilya, para sa aking mga kaibigan at para po sa lahat sa inyo na tumulong at naniwala sa akin,” ang dagdag na pahayag ni Vico.

Tatay na tatay si Vic habang nagsasalita si Vico dahil panay ang kuha niya ng litrato, gamit ang kanyang cellphone camera.

Sa pamamagitan naman ng kanyang Twitter account, muling pinasalamatan ni Vico ang lahat ng naniniwala sa kakayahan niya.

“Thank you, everyone. I know the job will be difficult and frustrating. But with my family & friends behind me and thousands of Pasigueños joining me in this journey for authentic positive change, We will do this.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Coney Reyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results