Kung aspiring singer siya ngayon at kahit matindi ang labanan dahil sa text at social media votes, walang alinlangang pipiliin pa rin ni Julie Anne San Jose na sumali sa mga singing contest, tulad ng ginawa niya noong 2005 nang maging contestant siya sa Popstar Kids, ang singing competition ng QTV 11.
"First love ko ang singing and I’ve always been passionate about music and I thought I was born to make music and to sing, sasali pa rin ako.
"Marami ang sobrang talented na Filipinos ngayon, hindi lang sa music, in other fields also," sabi ni Julie Anne.
Unang ipinamalas ni Julie Anne ang talent niya sa pagkanta sa June 6, 1998 edition ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.
Ang "I Wanna Dance with Somebody" ang kinanta ni Julie Anne sa talent portion ng Little Miss Philippines.
Hindi man niya napanalunan ang titulo, siya ang itinanghal na first runner-up.
Muling ibabalik ng Eat Bulaga ngayong July ang limited edition ng Little Miss Philippines kaya timing ang paglitaw ng 21-year-old video ni Julie Anne nang sumali ito noong apat na taon pa lamang siya sa popular beauty pageant for kids ng noontime show ng GMA 7.
"Thank you Eat Bulaga" ang caption ni Julie Anne sa throwback video na halos anim na libo na ang likes at nagpapangiti sa mga nakapanood na hindi alam na produkto rin siya ng noontime show na isa nang institusyon.
Nagbunga ng maganda ang pagiging kontesera ni Julie Anne sa Eat Bulaga at Popstar Kids dahil natupad ang pangarap niyang makilala bilang singer at aktres.
Si Julie Anne ang headliner sa The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only, ang concert nila ni Christian Bautista na itatanghal sa July 6 sa The Atrium ng Limketkai Mall, Lapasan, Cagayan de Oro City.