Miguel Tanfelix, nagpaalam na sa Sunday PinaSaya

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagpaalam na si Miguel Tanfelix bilang co-host ng Sunday PinaSaya noong Linggo, June 30, dahil priority niya ang kanyang pag-aaral.

Hindi naging madali para kay Miguel ang desisyong iwanan ang Sunday PinaSaya dahil napamahal sa kanya ang mga kasamahan niya at ang programa.

Pero umiral sa Sahaya lead actor ang kagustuhang makatapos ng pag-aaral.

Kailangan ni Miguel na isakripisyo ang Sunday PinaSaya dahil tuwing Linggo lamang ang araw ng kanyang pahinga.

Third year Entrepreneurial Management student si Miguel sa De La Salle University-Dasmariñas kaya sandaling panahon na lamang ang bubunuin niya para magkaroon siya ng college diploma.

Ikinalungkot ng Sunday PinaSaya mainstays ang pagpapaalam ni Miguel sa kanilang weekly television show, pero suportado nila ang pangarap ng aktor na makatapos ng pag-aaral.

Ang pag-alis ni Miguel sa Sunday noontime program ng GMA-7 ang tiyak na itatanong sa kanya sa pagharap niya ngayon sa entertainment writers sa presscon ng Family History ng GMA Pictures, na aktibo na muli sa paggawa ng mga pelikula.

Continue reading below ↓

Co-stars ni Miguel sa Family History sina Michael V., Dawn Zulueta, Bianca Umali, at Paolo Contis.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results