Coco Martin at Edu Manzano, magre-reunion sa pelikulang pang-MMFF 2019

by Jojo Gabinete
Jul 3, 2019
PHOTO/S: Biboy Arboleda Twitter

Hindi lamang sina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado ang co-stars ni Coco Martin sa pelikulang isasali nito sa Metro Manila Film Festival 2019.

Cast member din si Edu Manzano sa movie project na may working title na Tripol Trobol at mula sa direksiyon ni Coco.

Si Edu ang gaganap na kontrabida sa karakter na gagampanan ni Coco at magsisimula ang shooting niya sa July 7.

Ang Tripol Trobol ang reunion nina Edu at Coco na unang nagkasama sa FPJ's Ang Probinsyano, ang top-rating primetime television series ng ABS-CBN.

Sumikat sa Ang Probinsyano ang President Lucas Cabrera ni Edu, pero pinatay ang kanyang karakter dahil sa kandidatura niya bilang house representative ng lone district ng San Juan City sa midterm polls noong May 2019.

Bukas, July 4, ang unang araw ng shooting ng Tripol Trobol sa isang lugar sa Maynila dahil masuwerte sa feng shui ang naturang petsa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Biboy Arboleda Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results