Pacquiao-Thurman fight, sa ABS-CBN ipalalabas; Pacquiao at Morales, maghaharap muli?

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2019
PHOTO/S: Instagram

Exclusive na mapapanood sa ABS-CBN at sa ibang platforms nito ang laban ni Senator Manny Pacquiao at ng American boxer na si Keith Thurman sa July 20 (July 21 sa Pilipinas) sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.

Ipinakikita na sa mga programa ng Kapamilya Network ang video ng imbitasyon ni Pacquiao na panoorin sa ABS-CBN ang boxing match nila ni Thurman.

Palaisipan ito sa mga tao na nasanay nang pinapanood sa GMA-7 ang lahat ng kanyang mga laban mula nang pumirma siya ng exclusive contract sa Kapuso Network.

Hinihintay pa namin ang sagot ng isang tao na aming tinanong kung paano napasakamay ng ABS-CBN ang exclusive rights para sa television broadcast ng laban nina Pacquiao at Thurman.

Noong June 15, 2019, lumipad si Pacquiao sa Los Angeles, California dahil dito niya ipinagpatuloy ang kanyang training para sa nalalapit paghaharap nila ni Thurman sa boxing ring.

Noong Martes, July 2, binisita si Pacquiao ng retired Mexican boxer na si Erik "El Terrible" Morales na nakalaban niya ng tatlong beses sa boxing.

Continue reading below ↓

Marami ang nanibago sa physical appearance ng 43-year-old Mexican boxer dahil nadagdagan na ang timbang niya.

Ikinatuwa ni Pacquiao ang muling pagtatagpo nila ni Morales, na itinuturing niyang mabuting kaibigan at isang warrior sa boxing ring.

Year 2012 nang magretiro si Morales sa boxing at hindi nagkakaiba ang kapalaran nila ni Pacquiao.

Kung nahalal na senador ng Pilipinas si Pacquiao noong 2016, nanalo naman si Morales na Mexican house representative ng District 7 ng Tijuana Baja California noong July 2018.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Morales na marami silang napag-usapan ni Pacquiao sa kanilang almusal.

Sa pamamagitan ng #MoralesPacquiao4, nagpahiwatig si Morales na posibleng magharap sila ni Pacquiao sa boxing arena sa ika-apat na pagkakataon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results