Kapitana Sisa, nag-public apology dahil sa blind item tungkol kay Liza Soberano

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2019
PHOTO/S: Instagram

Nabahag ang buntot at parang maamong tupa na humingi ng tawad ang radio personality na si Glenn Dy aka Kapitana Sisa ng Energy FM 106.7 radio dahil sa kanyang malicious blind-item vlog na pinagdududahan na si Liza Soberano ang subject.

Deleted na ang YouTube video ni Kapitana Sisa tungkol sa diumano’y aktres na nawawala dahil buntis.

Pinalagan ito nang matindi ng kampo at supporters ni Liza.

Dahil blind item ang deleted vlog ni Kapitana Sisa, blind item din ang public apology niya para sa mga taong nasaktan at nadamay sa kanyang blind item.

Pahayag ni Kapitana Sisa: "Gusto ko lang po humingi ng public apology sa nagawa ko po kahapon. Yung nangyaring live feed po kahapon na ginawa ko.

"Alam ko naman pong mali dahil may mga tao po na nadamay, may mga tao po na nasaktan at hindi ko po sinasadyang makaapekto o makasira.

"Ako po ay humihingi ng taus-pusong patawad sa lahat.

Continue reading below ↓

"Muli po, gusto kong klaruhin na wala pong kinalaman ang Energy FM sa ginawa ko pong live kahapon at sa mga nasasaktan at nasaktan, nadadamay at patuloy na nadadamay, sana po, mapatawad po niyo ako sa aking nagawa.

"Makakaasa po kayo na simula pa sa araw na ito ay hindi na po mangyayari yung nangyari po kahapon.

"Muli po, ako po ay humihingi ng tawad po sa lahat at sana rin po, dun po sa mga nasaktan at nadamay, humihingi na rin po ako ng tawad sa inyo.

"Wala po akong intensiyon na sirain po ang pagkatao ng bawat isa.

"Alam ko po na nakasakit ako at inaamin ko po yun. Patawad po sa lahat. I’m sorry po."

Naglabas din ng official statement ang Energy FM 106.7 management kahapon, July 4, tungkol sa kontrobersiya:

"Management does not condone any derogatory statements towards any person or character.

"Should there be any occasion that any member of the company commits such action, rest assured that serious actions shall be made.

Continue reading below ↓

"Please be reminded that the official Facebook Page and Youtube account of Energy FM is Energy FM 106.7.

"Contents of social media accounts of our individual DJs are responsibility of the holder.

"As such, contents and points of views, contained therein does not necessarily reflect the views and opinions of management and the network."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results