Ryzza Mae Dizon, nakaranas ng pambu-bully nang sumali sa Little Miss Philippines

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2019

Biktima ng bullying si Ryzza Mae Dizon noong 6 years old pa lamang ito.

Nangyari ang insidente nang sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! noong 2012.

Ang pagiging bullying victim ni Ryzza Mae sa kamay ng kapwa niya contestant sa Little Miss Philippines ang throwback story ni Joey de Leon sa July 5 edition ng noontime show ng GMA-7.

Binanggit ngayon ni Joey sa "Boom" segment ng Eat Bulaga! ang mapait na karanasan ni Ryzza Mae sa isang mestiza at supladitang contestant.

Pinilit ni Joey na magkuwento si Ryzza Mae pero umiral ang hiya nito.

"Sabihin mo, okey lang yun. Nanalo ka naman, e," ang pamimilit ni Joey sa young co-host ng Eat Bulaga.

"Ano ang sabi sa 'yo? Ikaw ha, nagdadalaga ka na. Gusto mo sabihin ko?

"Ganyan ba talaga kapag lumalaki na, nagdadalaga, nahihiya na?

"May sinabi sa 'yo yung Inglesera mong kalaban, e," ayaw paawat na sabi ni Joey kay Ryzza Mae.

Continue reading below ↓

Dahil sa pamimilit ni Joey, napilitan si Ryzza Mae na sabihin ang masakit na salita na ipinamukha sa kanya noon ng isa sa mga batang nakalaban niya sa Little Miss Philippines 2012.

"We’re a princess, you’re a monster!" ang tila nagdadalawang-isip na sagot ni Ryzza Mae sa tanong sa kanya ni Joey.

"O nasaan siya ngayon? Malaki na rin yun ngayon!" tanong ni Joey.

Sinundan ito ni Maine Mendoza ng mariing salita na, "Nasaan siya ngayon at nasaan ka ngayon?"

Si Ryzza Mae ang grand winner ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! noong 2012.

Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Napag-uusapan ang mga trivia tungkol sa Little Miss Philippines dahil ibabalik ng Eat Bulaga! sa telebisyon ang limited engagement ng beauty pageant para sa mga batang babae.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results