Jessy Mendiola, inggit nga ba sa newly engaged Angel Locsin at Neil Arce?

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2019
PHOTO/S: @iamantoniopapa / @pattyyap on Instagram

Biktima na naman si Jessy Mendiola ng mga negative write-up dahil magkakasabay at magkakasunod na lumabas ang mga balitang naiinggit siya kay Angel Locsin dahil engaged na ito sa movie producer na si Neil Arce.

Binigyan din ng ibang kahulugan ang Instagram post niya na may caption na “happiness” habang nagbabakasyon siya sa Amanpulo dahil naka-tag ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Dati nang naka-tag si Luis sa mga social media post ni Jessy kaya hindi big deal ang ginawa niya.

Salat din sa katotohanan ang mga claim na ang netizens ang nagsasabing inggit si Jessy kay Angel dahil nanggaling lamang ito sa ibang mga entertainment writer na ginagawan ng ibang anggulo ang balita tungkol sa engagement nina Angel at Neil, at the expense of Luis’s girlfriend.

Madali para sa ilan na sabihin at isulat na inggit si Jessy pero siguradong mahihirapan silang patunayan ang kanilang mga pahayag dahil hindi nila saklaw ang isip at damdamin ng aktres.

Continue reading below ↓

Higit sa lahat, hindi nila nakakausap nang personal si Jessy kaya nakagawa sila ng pagkakamali, ang manghusga sa kapwa.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sina Angel at Luis, at pareho na silang naka-move on at nakahanap ng mga bagong mahal, kaya hindi makatarungan na intrigahin pa ang kanilang mga nananahimik at masayang relasyon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @iamantoniopapa / @pattyyap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results