Lea Salonga, maling na-introduce sa isang TV show

by Jojo Gabinete
Jul 7, 2019
Nagkamali ang "Sunrise" host na si Stephen Dixson nang i-introduce nito si Lea Salonga bilang ibang guest.
PHOTO/S: Screengrab from Sunrise

Nalagay sa alanganin na sitwasyon ang Sunrise host na si Stephen Dixon ng Sky News dahil nagkamali siya ng introduction sa international performer na si Lea Salonga.

Ang Filipina singer-actress ang guest ni Stephen at ng kanyang co-host na si Gillian Joseph sa July 5 episode ng Sunrise dahil ipino-promote niya ang kanyang concert tour sa United Kingdom na magsisimula ngayong July 7 at matatapos sa July 21, 2019.



“Now would you be prepared to give up flying for a whole year to help the planet.

“Well, the flight free campaign wants us to do just that.

“It wants 100,000 people to promise to give up flying for 2020.

“One of those asking us to do that, is doing it herself, is environmental campaigner Anna Hughes,” ang pagpapakilala ni Stephen kay Lea na ikinagulat nito.

Lea Salonga

Continue reading below ↓

“Okay, I am not Anna Hughes, I’m sorry I don’t know what is going on. No, I’m not Anna Hughes, sorry about that,” ang mabilis na sagot ni Lea na tumanggap ng mga papuri dahil na-handle niya nang maayos ang embarrassing situation.

Awkward na awkward ang eksena pero pinilit ni Stephen na isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Lea ba ang kanyang kaharap na kinumpirma ng Filipina singer.

"Well, look I, will tell you what I’m going to do, do you want to do this now or go to a break?

“What we are going to do Lea, is go to a break, I do apologise, we will head to a break and sort this out," ang sabi ni Stephen habang tawang-tawa si Lea.

Hindi naman malaman ni Gillian ang magiging reaksyon kaya napahawak na lang ang kanyang kamay sa mukha dahil sa pagkakamali ng co-host niya sa live telecast ng kanilang programa.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkamali ang "Sunrise" host na si Stephen Dixson nang i-introduce nito si Lea Salonga bilang ibang guest.
PHOTO/S: Screengrab from Sunrise
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results