Alden Richards, pinayagang mag-promote ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2019
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

Sina Daniel Padilla at Ian Veneracion ang itinapat ng Magandang Buhay ng ABS-CBN sa guesting ni Alden Richards sa pilot telecast ng Mars Pa More ng GMA-7 ngayong umaga, July 8.

Ang friendship nina Daniel at Ian ang isa sa mga topic sa pagbisita nila sa morning talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros.

Magkaiba ang timeslot ng Magandang Buhay at ng Mars Pa More, pero hindi naiwasan ang tapatan ng dalawang programa.

Alas-otso ng umaga ang umpisa ng Magandang Buhay at past 8:45 A.M. nang magsimula ang Mars Pa More.

Kung sumayaw si Alden sa bagong morning talk show ng Kapuso Network, kumanta naman sina Daniel at Ian sa Magandang Buhay.

Ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo ang leading lady ni Alden sa unang pelikula nito sa Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye na magbubukas sa mga sinehan sa July 31.

Kahit ang sister company ng rival network ng GMA-7 ang producer, pinayagan si Alden na mag-promote sa Mars Pa More ng pelikula nila ni Kathryn.

Continue reading below ↓

Sa interview kay Alden nina Iya Villania, Camille Prats, at Chariz Solomon, ikinuwento niya na intimidated siya kay Kathryn sa unang pagkikita nila.

"Una, medyo intimidated talaga ako kay Kath. Sobrang parang nahiya ako.

"Siyempre, lahat ng mga nakakakilala sa akin, kilala nila ako na maligalig, makulit.

"Tahimik lang ako. Talagang hindi ko muna masyadong ginalingan ang pagiging makulit kasi nakakahiya, e, first time na na-meet.

"So, ang ginawa ko na lang, since it’s another network, nangapa muna ako kung ano ang mga dapat galawan dun.

"But it turns out, wala silang ipinagkaiba sa atin, dito sa network natin—hardworking, passionate people, magaling makisama.

"Hindi ako nahirapan, especially to work with Kath, kasi very humble din, easygoing, saka we share the same passion towards the film.

"Iba yung experience ko," pahayag ni Alden tungkol sa naging working relationship niya kay Kathryn at sa production team ng Star Cinema.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results