Uso ngayon ang mga isinasalin sa pelikula na life story ng mga sikat na musician gaya nina Freddie Mercury at Elton John.
Kaya isa ito sa mga itinanong sa comebacking singer-actor na si Rico Blanco nang makaharap siya ng entertainment press sa kanyang contract signing sa Viva Music Publishing Inc., ang namamahala ngayon sa music catalog niya.
Sinabi ni Rico na ang possible filmbio tungkol sa buhay niya ang isa sa mga napag-usapan nila ni Boss Vic del Rosario ng VMPI.
“Baka boring yung buhay ko.
“Sabi ni Boss Vic, si Freddie Mercury naman, ang buhay, baka feeling niya rin, boring din ang buhay niya,” kuwento ni Rico.
Pero kung sakaling isasapelikula nga ang kanyang life story, ang "Liwanag Sa Dilim," isa sa mga hit song ni Rico, ang gusto nitong gamitin na pamagat.
“I’d like to think 'Liwanag Sa Dilim.' Of course, there were darker days in the Philippines and I’m very lucky to live in a relatively peaceful time.
“I don’t wanna go political now but whatever the situation, you know, I was an SK Chairman before I was in a band.
“I was an elected founding SK Chairman sa U.P. and I saw first hand the corruption at age 20 and I said, maybe I’ll just serve the community in another way.
“I’m a little less nationalistic now at my age, but I still care about things – people, environment…things like that.
“But music is my weapon. It’s my tool. At times it was my weapon, now it’s just my instrument to bring light,” makahulugan niyang pahayag.
Napangiti naman si Rico nang hingin ang kanyang opinyon tungkol sa paniniwala ng ibang Pinoy fans na siya ang John Wick at Keanu Reeves ng Pilipinas.
“I know people mean it as a compliment and I’m flattered about it, but I have a running silent advocacy na Filipinos should not be Pinoy versions of whoever.
“We should be Anne Curtis is Anne Curtis.
“Sarah G. is Sarah G. She’s not Adele of the Philippines. She’s not Lady Gaga of the Philippines.
“So, whenever someone says maybe Keanu Reeves is Rico Blanco, I don’t know…
“We’re two different people. How many gigs has he played? How many Hollywood blockbusters have I starred in?
“But I think people mean it lightly lang naman—long hair sila, pareho silang hindi nag-aahit.
“It’s nakakahiya, kasi guwapo yung Keanu Reeves.
“Pero yun lang sana, yung Pilipino, itigil nating isipin na versions tayo like kapag nagsuot ako ng suit, ginaya niya si ano…”