Mayor Isko Moreno, nagbantang ipapa-deport ang Chinese national na nahuling umiihi sa kalye

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2019
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

Parang isang reality show na tumagal ng isa't kalahating oras ang video ng pag-iikot ni Mayor Isko Moreno sa lungsod ng Maynila kahapon, July 7, dahil tiningnan niya ang ibang mga problema na inirereklamo ng kanyang constituents.

Active si Isko sa social media kaya mabilis na nakararating sa kanya ang mga reklamo ng netizens na hindi niya ipinagwawalang-bahala.

Kahit rest day niya, inikot ng actor-public servant ang Kamaynilaan, kasama ang kanyang staff na tagalista ng mga lugar na may mga problema na dapat mabigyan ng solusyon.

Lulan ng kanyang sasakyan, personal na nakita ni Isko ang mga jeepney at truck driver na patuloy na lumalabag sa batas-trapiko, ang mga illegal jeepney terminal, at mga lugar na marurumi dahil sa mga nakatambak na basura na kagagawan ng mga kababayan nating walang disiplina.

Continue reading below ↓

Ngayong araw na ito, July 8, nagbanta naman si Isko na ipade-deport ang Chinese national na nahuli na umiihi sa isang lugar sa Binondo noong July 6 ng gabi at nanakit ng tanod na sumita sa kanyang ginawa.

Pahayag ni Isko, "If you hit our enforcer, if you attempt to hurt our policemen because you are super power, you believe that malaking bansa kayo, you are not welcome to the City of Manila.

"We are now going to write, if he’s really holding a foreign passport, we are going to write the Immigration to deport this Chinese fellow na umihi sa kalye ng Maynila na nanapak pa ng tanod.

"We will deport, we will request the Immigration to deport you and ban you entering the country.

"Always remember, we welcome you. In fact, some Chinese are working in the City of Manila, doing some business.

"I just fought in favor of the Filipino-Chinese heritage a few days ago, but this doesn’t give them, kahit sila’y mayaman, kahit sila’y malaking bansa, this doesn’t give them license to pee anywhere in the streets of Manila.

Continue reading below ↓

"The sauce for the gander is the sauce for the goose.

"If it’s applicable, our laws and ordinance is applicable to ordinary John Does and Mary who are Filipino and citizens of Manila, and so with foreigners.

"So, huwag na huwag ninyong gagawin ‘yan sa Maynila.

"I hope you will not do it again," babala ni Isko sa mga dayuhan na abusado tulad ng Chinese national na kasalukuyang nakakulong dahil sa pananakit sa tanod na sumita sa pag-ihi niya sa kalye ng Maynila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results