Rico Blanco, nanggagalaiti sa galit dahil sa "stupid headline"

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2019
Rico Blanco
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Galit ang pinairal ni Rico Blanco nang mabasa nito ang headline na "Rico Blanco, ayaw ma-label bilang Keanu Reeves ng Pilipinas."

Lumabas ang artikulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 7.

Bayolente ang reaksiyon dito ni Rico: “This stupid headline will get me into trouble guys. my point was lets stop making filipinos local versions of global icons.”

Ipinamukha ng comebacking musician sa editors ng PEP.ph na wala silang respeto sa mga artists na naglalagay ng pagkain sa kanilang hapag-kainan.

Hindi natapos kagabi, July 8, ang mga rant ni Rico laban sa PEP.ph. Hanggang ngayong Martes, July 9, patuloy ang pagbatikos niya sa digital website.

Ikinumpara pa ni Rico ang editorial team ng PEP.ph sa trolls na hindi naglalagay ng kanilang mga litrato. Nag-aksaya rin ng panahon ang singer upang mag-post sa Twitter ng larawan ng PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon.

Imbes na galit, magkahalong gulat at habag ang naramdaman namin para kay Rico. May kung anong bitbit siyang galit sa mundo na mukhang lalabas at lalabas kapag nakanti.

Continue reading below ↓

Inaaksaya niya ang panahon at lakas sa isang harmless headline na hindi naman pag-uusapan kung hindi siya nag-ingay.

Kung malagay man si Rico sa "trouble" dahil sa headline ng PEP.ph, siya na rin ang may kagagawan: ginawa niyang isyu ang isang headline na simpleng extract mula sa ibinigay niyang interbyu sa media.

Kung ano ang nasa interbyu, siya rin ang nasa headline.

Nang hingan ng opinyon tungkol sa paniniwala ng ilang Pinoy fans na siya ang John Wick at Keanu Reeves ng Pilipinas, ito ang sinabi ni Rico:

“I know people mean it as a compliment and I’m flattered about it, but I have a running silent advocacy na Filipinos should not be Pinoy versions of whoever.

“We should be Anne Curtis is Anne Curtis.

“Sarah G. is Sarah G. She’s not Adele of the Philippines. She’s not Lady Gaga of the Philippines.

Continue reading below ↓

“So, whenever someone says maybe Keanu Reeves is Rico Blanco, I don’t know…

“We’re two different people. How many gigs has he played? How many Hollywood blockbusters have I starred in?

“But I think people mean it lightly lang naman—long hair sila, pareho silang hindi nag-aahit.

“It’s nakakahiya, kasi guwapo yung Keanu Reeves.

“Pero yun lang sana, yung Pilipino, itigil nating isipin na versions tayo like kapag nagsuot ako ng suit, ginaya niya si ano…”

Inireport ito nang buo ng PEP. Quoted fully si Rico.

Walang duda na sinasabi niyang ayaw niya ng ganyang mga paghahambing na "flattering" nga, pero "nakakahiya" at walang katuturan, dahil mas magandang ma-recognize ang Pinoy artists bilang sila at hindi bilang bersiyon ng sinupamang international stars.

Wala kaming minali sa gusto niyang sabihin.

Kaya nga ang headline ng PEP ay "Rico Blanco ayaw ma-label bilang Keanu Reeves of the Philippines." Ngunit bilang headline, hindi maikakabit dito ang lahat ng iba pang paliwanag niya. Ang mga ito ay nakapaloob sa body text.

Ang mga fans din naman ni Rico ang unang naghambing sa kanya sa American star ng John Wick. Nang natanong ang tungkol sa pagkumpara sa kanya kay Keanu Reeves ng isang blogger noong Biyernes, July 5, maluwag na sinagot pa ito ni Rico.

Ito ang iniulat ng PEP, na ngayon ay ikinagagalaiti ni Rico.

Ano ang mali sa artikulo? Ano ang mali sa headline?

Kung may mga humahanga kay Rico, tiyak ding may mga ayaw sa kanya. Ni hindi kailangan ng rhyme or reason dito—basta gusto ka o ayaw ka. Alam ng lahat ng stars iyan, kaya madalas nga nila sabihin, "You cannot please everybody."

At alam din ng buong showbiz na ang social media ay lugar ng maraming kapaki-pakinabang, ngunit nag-aani rin ng dilim.

Ngayon, kung magpapadala si Rico sa mga batikos ng mga hindi fans, kung papatol siya sa mga walang kuwentang komento ng mga kontra sa kanya—siya ang lugi.

Kung wala siyang kontrol sa sarili, dadaigin siya ng mundong iyan. Kung wala siyang skills para i-handle ang mga negatibo, di niya kakayanin ang kanyang pinasukang industriya.

Bakit naman niya ipapapasan ito sa PEP?

At ano nga ba ang ipinag-aalburoto niya sa PEP? Pangalawa na ang artikulong ito sa inilabas ng PEP.ph tungkol sa kanyang comeback.

Continue reading below ↓

Unang inilabas ng PEP.ph noong July 6, 2019 ang report ng pagbabalik ni Rico. May pamagat ang artikulo na: “Rico Blanco returns to music after living simple, content life.”

Sa artikulong ito, inilagay ng PEP.ph ang nakalap nito—na siya ay mabuting anak, kapatid, at tiyo; na siya ay mahusay na musician; na gusto niyang mag-ambag muli sa musika, kung saan siya nakilala.

Sa unang artikulo, wala kaming inasahang acknowledgment o thank-you kay Rico, ngunit nagpaabot ng pasasalamat ang singer sa pamamagitan ng Facebook.

Continue reading below ↓

Nitong pangalawang artikulo, wala rin kaming inasahang anuman, pero nakatanggap kami ng larga-largang rant, na para bang sinasadya siya ng PEP.

Bakit naman? Walang history ang PEP na namemersonal. Sa anumang kontrobersiya, dalawang panig parati ang kino-cover. Malaki ka mang artista o maliit na pangalan lang, makakapagsalita ka sa PEP.

Magbilangan man, hindi mapapahiya ang PEP sa record nito sa 13 years of entertainment reportage.

Si Rico ang namemersonal. Pinalalabas pa niyang nakakakain ang mga reporter dahil sa mga musikerong kagaya niya.

Pahayag ni Rico: "And by the way @PEPalerts thats the last time youll ever be invited to a presscon of mine... understand [artists] work hard and help put food on YOUR table."

Kahit dito ay parang may kulang sa pag-intindi si Rico. Saan niya nakuha ang ideyang ang kagaya niya ang nagpapakain sa media at ang media ay walang ambag sa hapag-kainan niya?

Kung ganoon nga ang kaganapan, bakit pa siya nag-iimbita ng reporters? Bakit ngayong gusto niyang bumalik sa showbiz ay nagpapatawag siya ng presscon? Hindi kaya dahil hindi niya kayang i-launch ang sarili nang wala ang media?

Continue reading below ↓

Ang dapat ngang itanong ni Rico sa sarili ay kung gugustuhin pa ng PEP.ph—at ng ibang entertainment press—na puntahan ang mga presscon niya ngayong malinaw na ang baba ng tingin niya sa mga manunulat.

Dapat ipaalala kay Rico na hindi lamang sa kanya umiikot ang mundo at "give and take," o symbiotic, ang relasyon ng artists at ng entertainment press.

Kung hindi sa suporta ng entertainment writers kay Rico, walang magpu-promote ng kanyang mga kanta, album, concert, at television series, kung saan kumikita siya at nagkakaroon ng pambili ng pagkaing nailalagay sa hapag-kainan ng kanyang pamilya.

Welcome si Rico sa PEP.ph office para makita niya nang personal, na kahit nabanggit si Keanu Reeves sa write-up tungkol sa kanya, hindi ito nakatulong mag-generate ng views tulad ng ipinipilit niyang paniwalaan ng publiko.

Hindi na rin kailangan ni Rico na ipagtanong kung sino ang nagmamay-ari ng PEP.ph dahil isang click lang niya sa laptop, masasagot agad ang katanungan.

Continue reading below ↓

Pag-aari ang PEP.ph ng Summit Media at GMA New Media.

Ang Summit Media ay pagmamay-ari ng Gokongwei family at ngayon ay leading digital lifestyle network sa Pilipinas. Ang Summit ay beterano ng publishing business. Bago lumipat sa digital, ito ang lumikha ng YES!, Preview, Cosmopolitan Philippines, Esquire, FHM, Men's Health at mahigit na 15 pang magasin, na malamang ay nakatulong din sa pag-promote sa music career ni Rico.

Ang GMA New Media ay separate entity sa GMA Network, administratively at structurally, bagamat pagmamay-ari silang dalawa ng mga pamilyang Gozon, Duavit, at Jimenez.

Pagdating naman sa editorial team ng PEP.ph, ipinalalabas ni Rico na nagtatago ang mga ito kaya ni hindi naglalagay ng litrato—na para bang ikinahihiya ang trabaho kaya hindi nagpapakilala.

Malayo sa katotohanan.

Simple lang: Kaya walang litrato ang editors ay dahil, sa intindi nila, hindi sila ang gustong makita ng readers kundi ang mga isinusulat nilang mga artista. Behind the scenes sila kumikilos, nag-iisip ng concept, nagbibigay direksyon sa site. Nasa background. Nilalagay lang ng editors ang sarili sa lugar.

Continue reading below ↓

Ngunit ang editorial writing team ay nariyan loud and clear. Sa dulo ng bawat staff-written article, nakalagay ang litrato ng nagsulat. Ang tanging writers na walang kalakip na litrato ay mga columnists ng PEP Alerts at contributing writers.

Pero kung, balang araw, sabihin ng readers na ilabas din ng mga editors, columnists, at contributors ang kanilang mga litrato, hindi problema. Madaling gawin iyan. Limitless ang cyberspace.

Ang hindi madali ay tanggapin na lamang ang pagmumura ng isang Rico Blanco, isang public figure, isang would-be-music-idol, sa kanyang mga tweet.

Ganito pala ang ugali ng isang ilo-launch ng Viva Music Publishing?

Siya pa may lakas-loob tawaging "garbage" ang PEP.ph, e siya itong nagmumura.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rico Blanco
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results