Viva original movies at digital series, eksklusibong mapapanood sa iflix

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2019
PHOTO/S: Twitter

Naganap nitong gabi ng July 10, Miyerkules, sa 29th floor ng Arthaland Century Pacific Tower sa Bonifacio Global City, Taguig, ang official announcement ng pagsasanib-puwersa ng Viva at ng iflix.

Dumalo sa grand launch ng partnership ng Viva at iflix ang Viva executives sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.

In full force din ang attendance ng mga executive ng iflix na masaya at optimistic sa nabuong partnership nila sa Viva.

Pahayag ng Viva executive na si Vincent del Rosario, anak ni Boss Vic, "We are happy that we are bringing our content on the platform, but more happy because we’re getting our stars exposed in an international platform.

"Ang ating mga artista, makikita na sa ibang bansa and, hopefully, some of them can break through because we are planning to do series, originals for the next three years and, hopefully, do some more in the years to come."

Continue reading below ↓

Kasama sa deal ng Viva at iflix ang pagpo-produce nila ng 30 original movies at siyam na series na exclusive na mapapanood sa iflix na may 25 million subscribers.

Sina Janno Gibbs, Fabio Ide, Sarah Lahbati, Marco Gumabao, Louise delos Reyes, Kylie Verzosa, at Matteo Guidicelli ang ilan sa mga contract star ng Viva Artists Agency na nagpakita ng suporta sa inilunsad na partnership ng Viva at iflix.

Nagsilbi rin itong reunion ng Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Jaycee Parker, Jennifer Lee, Sheree, at Myles Hernandez.

Si Sam YG ang host ng programa at performers sina Matteo at Janine Tenoso.

Inawit ni Matteo sa Viva-iflix event ang "Sundo," ang debut single niya sa Viva Records.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results