Kathryn Bernardo at Alden Richards, nag-guest sa Unang Hirit at Umagang Kay Ganda

by Jojo Gabinete
Jul 12, 2019

Simultaneous na napanood sa mga morning program ng ABS-CBN at GMA-7 ngayong umaga, July 12, sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ito ay para mag-promote sila ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikula nila sa Star Cinema na may playdate sa cinemas nationwide sa July 31, 2019.

Pre-taped ang guestings nina Alden at Kathryn sa Umagang Kay Ganda ng Kapamilya Network at Unang Hirit ng Kapuso Network.

Parehong kahapon, July 11, ang taping ng lead stars ng Hello, Love, Goodbye sa Umagang Kay Ganda at Unang Hirit, na magkasabay ring ipinalabas ngayon sa telebisyon kaya nag-trending topic sa social media.

Ang UKG co-host na si Amy Perez ang nag-interbyu kina Alden at Kathryn.

Overwhelmed ang pakiramdam niya sa tuwing pumupunta siya sa Kapamilya Network ang sinabi ni Alden kay Amy.

Ang promo guesting niya sa morning show ng ABS-CBN ang unang pagkakataong tumapak si Alden sa studio ng Kapamilya Network.

Ikinuwento naman ni Kathryn na kinabahan siya sa unang pagkikita nila ni Alden dahil stranger sila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

"Sinadya yata na hindi kami ipag-meet talaga nung miniting, so yung first, siyempre may tantiyahan.

"Hindi ko alam kung paano siya kausapin," sabi ni Kathryn, na kumportableng-komportable na kay Alden dahil sa isang buwan na shooting nila sa Hong Kong.

Sina Luane Dy at Suzi Entrata-Abrera naman ang mga nakipagkuwentuhan kina Alden at Kathryn sa Unang Hirit.

Unlike Alden, hindi unang beses na tumuntong sa studio ng Kapuso Network si Kathryn dahil cast member siya noon ng Philippine adaptation ng Endless Love, ang primetime television series ng GMA-7 noong 2010.

Fourteen years old si Kathryn nang gumanap siyang young Marian Rivera sa Endless Love.

Natuwa at hindi makapaniwala si Kathryn nang ipakita sa Unang Hirit ang playback video ng interbyu sa kanya noon sa isang programa ng GMA-7.

"Oh my God, buti na-save niyo!" natatawa at namanghang reaksiyon ni Kathryn nang mapanood nito ang old clip ng panayam sa kanya noon ng Unang Hirit.

Continue reading below ↓

Tulad sa Umagang Kay Ganda, may Part 2 sa susunod na linggo ang pre-recorded guesting nina Alden at Kathryn sa Unang Hirit.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results