Wowowin contestant, nahuli ni Willie Revillame na kasabwat ng sindikato

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2019
PHOTO/S: GMA Network

Disqualified ang isang female contestant sa "Hep Hep Hooray" segment sa recent episode ng Wowowin dahil hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng host na si Willie Revillame ang lalaking kasama sa grupo ng babae pero hindi nito personal na kilala.

Namukhaan ni Willie ang lalaki na napatunayan niyang sumabit lang sa grupo para makapasok sa studio ng kanyang game show at mabigyan ng pamasahe.

Hindi nagdalawang-isip si Willie na i-disqualify ang female contestant dahil lumabag ang grupo nito sa ipinagbabawal ng kanyang programa.

Pahayag ni Willie sa audience, "Hindi niyo ako puwedeng lokohin kasi nakikita ko ang lahat ng nangyayari dito.

"Ano gagawin natin sa kanila, disqualified sila.

"Bawal 'yan, may nakapaskel sa labas.

"Bawal kayong tumanggap ng hindi niyo kasama kaya sa pag-interbyu ko pa lang, hindi siya kilala, kasi dapat hindi kayo pumapayag.

"I’m sorry, disqualified kayo. Ibinabawal po naman dito ‘yan.

"Kasi kawawa kayo, nag-aambagan kayo, nagrerenta kayo ng sasakyan, 'tapos maloloko lang kayo."

Continue reading below ↓

Sayang, hindi namin papayagan nang ganoon. I’m sorry, I hope you understand, ganoon talaga.

"Ipinagbabawal po namin ‘yan kasi niloloko nila ang Wowowin.

"Kawawa naman kayo, namamasahe lang kayo, tatalunin lang kayo ng mga tao na nakatambay sa labas.

"Bumiyahe kayo, nagrenta ng sasakyan, nangutang kayo, 'tapos ang mananalo, e, yung sumabit lang.

"I don’t think that’s fair. Bibigyan ko kayo ng pamasahe kapag legal na legal kayo.

"Sorry ha, you have to understand. Ganoon talaga."

Hindi nagkulang si Willie at ang kanyang production staff sa paalaala na bawal ang mga sindikato sa top-rating game show niya sa GMA 7.

Unang natuklasan ni Willie noong September 2018 ang raket at anomalya na ginagawa ng mga sindikato na tinitipon ang mga tao na hindi magkakakilala at nagpapanggap na mga residente ng isang lugar para makapasok sa studio ng Wowowin, makasali sa mga contest, at mabigyan ng pamasahe ng generous television host.

Continue reading below ↓

Kumikita ang lider ng scam sa pamamagitan ng komisyon na kanyang hinihingi mula sa mga taong naipasok niya sa show ni Willie.

Sa kabila ng mahigpit na babala ni Willie, hindi natuto ang mga sindikato, pero hindi sila nagtagumpay dahil sa matalas na mata at pakiramdam ng Wowowin host.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results