Ang Probinsyano party-list representative, nag-sorry na dahil sa panununtok sa waiter

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2019
PHOTO/S: Facebook

Humingi na ng paumanhin si Ang Probinsyano party-list representative Alfred delos Santos kay Christian Kent Alejo, ang waiter na sinuntok niya sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay noong July 7, 2019.

Sa panayam ng GMA News at ng DZBB, inamin ni Delos Santos na nakainom siya nang maganap ang insidente.

Mababaw ang pinag-ugatan ng galit ng baguhang kongresista dahil sa kuwento nito, hindi niya nagustuhan ang paglalagay ni Alejo ng placemat sa mesa nila ng kanyang mga kasama.

“Nung paglapag niya ng placemat, hindi masyadong maganda yung pagkakalapag niya kaya sinabi naming pakiayos naman, 'tapos medyo tumalikod.

"May narinig ako na hindi masyadong kagandahan, e, kaya dun ko tinanong kung ano ang problema niyo.

"Tinapik ko yung sombrero niya para matapos na. Umalis na siya…" paliwanag ni Delos Santos, na umaani ngayon ng mga batikos.

Ito ay sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa tahanan ni Alejo.

Continue reading below ↓

"Humingi po ako ng pasensya sa kanila, personally. Tinanggap po naman nila.

"Walang areglo o kahit anong bayaran na nangyari," kuwento ni Delos Santos.

Naglabas din ng statement ang Ang Probinsyano party-list representative tungkol sa kanyang pagkakamali.

Bukod sa paghingi ng paumanhin kay Alejo, nag-sorry rin sa kanyang party-list si Delos Santos na, ironically, ang ipaglaban ang mga probinsyano na naaapi ang advocacy.

Ito ang bahagi ng official statement ni Delos Santos, na nagbitaw ng salita na na hindi siya bully o troublemaker:

"I am sorry not only to Mr. Christian Kent Alejo and his family but also to the people who voted for Ang Probinsyano. Sorry for disappointing you.

"I am also sorry to my Ang Probinsyano family and to my peers in Congress for dragging you into this controversy.

"I know you are all disappointed and I humbly accept whatever decision that you make in relation to my nomination in the partylist.

Continue reading below ↓

"I have already reached out to Mr. Alejo and his family this afternoon and personally extended my apology.

"I am deeply grateful that they properly received me and accepted my apology.

"Out of this humbling experience, I have not just learned a lesson but I also gained a new friend who made me understand the meaning of humility and self-restraint.

"For our constituents, I hope and pray that you will find in your hearts a way to forgive and understand.

"I have learned my lesson out of this experience and given the chance, I would certainly commit myself to work even harder to advance the cause of our constituents, the probinsyanos."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results