Ano ang masasabi ni Christopher Roxas sa direktor niyang si Xian Lim?

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2019
PHOTO/S: Facebook

Para kay Christopher Roxas, promising director si Xian Lim.

Si Xian ang direktor ni Christopher sa Tabon, isa sa mga official entry sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival.

"Xian is a good guy and a promising director.

"Actually, misunderstood lang siya dahil ang akala ng iba, mayabang siya, pero napakabait niya," sabi ng aktor.

Nabigla si Christopher dahil hindi nito inaasahang lead role ang gagampanan niya sa movie directorial debut ni Xian.

"Nakakatawa nga dahil nang tinawagan niya ako, nag-yes agad ako, but he didn’t mention na ako yung lead.

"So, nung nalaman ko, sabi ko sa kanya, 'Thanks,'" kuwento ni Christopher.

Grateful at thankful si Christopher kay Xian dahil sa wakas, bida na siya sa pelikula na long overdue na.

Tinanong mo ba si Xian kung bakit ikaw ang pinili niya na magbida sa Tabon?

"He believes in me daw," mapagkumbabang sagot ni Christopher sa tanong ng Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Inabot ng sampung araw ang shooting ng Tabon sa Boso-Boso, Rizal.

Kung nahirapan man si Christopher, ito ay ang mga eksena na ginamitan ng dugo.

"I would say, yung pinakamahirap is yung may dugo-dugo na 'coz I hate blood effects talaga, but everything was magaan."

Kahapon, July 12, ang 30th birthday ni Xian at memorable ito dahil natupad ngayong 2019 ang kanyang pangarap na makagawa ng isang pelikula.

Bukod sa pagiging direktor ng Tabon, si Xian din ang sumulat ng kuwento ng official entry niya sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results