Sarah Geronimo, may bagong "leading man" sa Unforgettable

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2019
PHOTO/S: Courtey of Tristan Huertas

Tindera ng isang karinderya ang cameo role ni Regine Velasquez sa Unforgettable, ang upcoming movie na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Joint production venture ito ng Viva Films at The Idea First Company.

"Anak-anakan" ni Regine si Sarah kaya tinanggap niya agad ang imbitasyong magkaroon ng special participation sa Unforgettable.

Hindi lamang si Regine ang artista na may cameo appearance sa pelikula ni Sarah dahil nag-commit na rin ang ibang mga big star.

Hindi pa tapos ang shooting ng unang "dog movie" ni Sarah, pero nakunan na ang mga eksena niya sa Baguio City.

Noong July 14 at July 15 naman ang shooting ni Sarah sa Pagudpud, Ilocos Norte.

For a change, aso at hindi tao ang kapareha ni Sarah sa Unforgettable, ang Jack Russel Terrier breed na si Milo.

Mapapanood din si Milo sa Philippine adaptation ng A Hard Day, ang blockbuster Korean movie na tinatampukan ni Dingdong Dantes.

Bago nag-umpisa ang shooting ng Unforgettable, nagkaroon ng mga bonding moment sina Sarah at Milo kaya close na sila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Si Tristan Huertas ng Milo & Friends ang trainer ni Milo, ang aso na parang tao ang ugali dahil madaling turuan ng tricks at nakikinig sa mga instruction sa kanya.

Isang feel-good movie ang Unforgettable na kapupulutan ng mga aral dahil sa journey ng mga karakter na ginagampanan nina Sarah at Milo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtey of Tristan Huertas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results