Ricky Davao, pinuri ang pagpapalinis ni Mayor Isko Moreno sa Manila City Hall underpass

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Manila Public Information Office Facebook

Sikat na artista na si Ricky Davao noong dekada ’80 nang makita namin siyang naglalakad sa Manila City Hall underpass.

Doon kasi ang daan niya papunta sa school na kanyang pinapasukan, ang Mapua Institute of Technology na may pangalan na ngayong Mapua University Manila.

Headline news sa kasalukuyan ang Manila City Hall underpass o Lagusnilad dahil sa clearing operations na pinangunahan ni Mayor Isko Moreno kahapon, July 15.

Hanggang kaninang umaga, July 16, patuloy ang paglilinis sa underpass na matagal pinamugaran ng mga homeless at illegal vendors kaya naging marumi, mabaho, at hindi ligtas ang nabanggit na lugar.

Continue reading below ↓

Dahil nagkaroon ng bahagi sa buhay niya ang Manila City Hall underpass, hiningi namin ang opinyon ni Ricky tungkol sa paglilinis na ginagawa ni Isko, hindi lamang sa underpass kundi pati na rin sa buong Maynila.

Pahayag ng award-winning actor, "I studied in Mapua for more than five years. Almost every day dumadaan ako diyan.

"May times na malinis and may times na madumi, may time din na nakalubog sa baha ang buong area.

"I would use the underpass in the morning, pero late in the afternoon towards evening I would avoid passing there na.

"Medyo madilim, may balita na may snatchers."

Patuloy ni Ricky, "Maganda ang ginagawa ni Mayor Isko, and I applaud his efforts in cleaning and restoring it to its glory days.

"The area is a good representation of our country’s capital.

Maliban sa mga naapektuhan ng clearing operations, ikinatuwa ng lahat ang paglilinis ni Isko sa pinabayaan at sinalaulang underpass ng Manila City Hall.

Continue reading below ↓

Habang nagaganap ang demolisyon sa mga illegal na tindahan na itinayo sa underpass, maririnig sa mga lumabas na video ang pagsusumamo ng illegal vendors kay Isko na maawa sa kanila dahil mahihirap na tao sila.

Hindi kapani-paniwala ang pagpapaawa effect ng mga illegal vendor na mahihirap sila dahil mismong si Isko ang nagsabing, araw-araw, nakapagbabayad sila ng P500 na renta sa mga sindikato sa Maynila na nagbibigay ng proteksiyon sa mga kagaya niya.

Hindi maganda sa pandinig ang paulit-ulit na sinasabi ng mga illegal vendor na mahirap lamang sila dahil ang totoo, wala silang mga disiplina sa sarili.

Gamit na gamit at masyado na nilang pino-prostitute ang pagiging dukha na, kailanman, hindi lisensiya para lumabag sila sa batas na ipinatutupad para sa lahat—mayaman at mahirap.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Manila Public Information Office Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results