Jane de Leon, biglang dumami ang followers sa Instagram

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2019
PHOTO/S: Instagram

Ang mabilis na pagdami ng Instagram followers ni Jane de Leon ang matibay na ebidensiya na napukaw niya ang interes ng publiko.

Ito ay pagkatapos ng official announcement ng Star Cinema na siya ang mapalad na napili para magbida sa long overdue Darna movie.

View this post on Instagram

Jane De Leon is Narda/Darna

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

May 750,000 Instagram followers si Jane bago naglabas ng official statement ang Star Cinema executives tungkol sa aktres na gaganap na Darna, na tiyak na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay at career.

As of 9:09 P.M. tonight, pumalo na sa 841,000 ang bilang ng Instagram followers ni Jane, na overwhelmed at grateful sa tiwala na ibinigay sa kanya ng Star Cinema.

"Maraming-maraming salamat po sa tiwala! Pangako po na pagtratrabahuhan ko po ito at ibibigay ko ang lahat," mensahe ng pasasalamat ni Jane.

Meron nang 59.6K likers at 2,975 comments ang post na ito ni Jane.

Kabilang sa mga nag-like o nagkomento ay ang kanyang mga kapwa artista gaya nina Maymay Entrata, Inigo Pascual, Elisse Joson, at Darren Espanto na natutuwa sa magandang kapalaran niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results