Gina Pareno, nagpupuyos sa galit dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa one-year-old boy

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

"Hindi na dapat binubuhay ang mga ganyan!"

Ito ang nagpupuyos sa galit na pahayag ng veteran actress na si Gina Pareño tungkol sa karumal-dumal na krimen na ginawa ng 28-year-old laborer na si Gerard Reparip kay John Angelo Salenga, ang one-year-old boy na pinagsamantalahan at pinatay niya sa pamamagitan ng sakal.

Nangyari sa Makati City kagabi, July 16, ang insidente na gumimbal sa lahat.

Inako ni Reparip ang kasalanan at humingi ng pasensiya, pero hindi raw niya alam ang kanyang ginawa dahil lasing na lasing siya.

Kabilang si Gina sa mga kababayan nating galit na galit at gusto na ibalik ang death penalty para hindi na maulit ang pangyayari.

"Wala siya sa katinuan! Dapat na mabigyan siya ng leksiyon para hindi pamarisan.

"Hindi na dapat binubuhay ang mga ganyan! Nakakaawa ang biktima at ang mga magulang niya!" sabi ng veteran actress na apektadong-apektado sa henious crime na ginawa ni Reparip.

Continue reading below ↓

Umapela si Gina na ibalik ang death penalty at nakiusap siyang suportahan ang mga magulang ng pinatay na bata.

Galit na galit din ang sambayanang Pilipino sa hindi makatao na pagpapahirap at pagpaslang sa inosenteng biktima kaya nakapagsalita silang dapat na maging another case ng "nanlaban" ang parusa kay Reparip.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results