Hashtag Vitto Marquez, umaasang hindi lolokohin ni Ion Perez si Vice Ganda

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2019
PHOTO/S: Instagram

Cast member si Vitto Marquez ng Indak ng Viva Films.

Ang kanyang participation sa pelikula ang dahilan kaya nalimitahan ang paglabas niya bilang Hashtags member sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Isa si Vitto sa mga anak-anakan ni Vice Ganda at naging close sila mula nang magkasama sa noontime program ng Kapamilya network.

Ang relasyon ng popular TV host sa "Kuya Escort" na si Ion Perez ang inusisa kay Viyyo sa presscon ng Indakkagabi, July 18.

Ang pagiging honest ni Vitto ang isang character trait niya na gustung-gusto ng entertainment press dahil hindi siya marunong mag-deny.

"I think everyone knows. Kahit naman hindi kailangan sabihin, everyone knows naman," maagap na reaksiyon ni Vitto nang tanungin kung totoong may relasyon si Vice kay Ion.

Sabi pa niya tungkol sa boyfriend ni Vice, "Kung ano ang nakikita niyo sa Showtime, ganoon siya in person, like, very very humble…nakakatawa.

"Malaki lang ang katawan pero taga-probinsiya.

Continue reading below ↓

"Ang bonding namin, everytime na bago siya sumalang, nandoon ako sa dressing room nila.

"Usap lang kami, 'O, kumusta na? Kailan tayo lalabas?'"

Pero mula nang mapabalitang may relasyon sina Vice at Ion, hindi na masyadong nakakasama ni Vitto ang TV host-comedian na itinuturing niya na pangalawang “ina.”

"Ngayon, hindi na masyado.

"Kapag kasama namin si Ate Vice, good fun. I mean, walang bad vibes.

"Parang gusto namin good vibes lahat, give and take.

"Sabi ko kay Ate Vice, sa grupo namin, Beks Battalion ang tawag namin.

"Kung may problema si Ate Vice, tawagan lang kami.

"Kasi we treat her like our second mother, kasi ang daming ibinibigay na advice sa amin."

Naniniwala si Vitto na masayang-masaya ngayon si Vice dahil siya mismo ang nakakakita.

Mabilis din ang sagot ni Vitto sa tanong ng isang entertainment writer na kung sa tingin ba niya, lolokohin ni Ion si Vice?

Continue reading below ↓

"Sana hindi… I mean, hindi naman natin makokontrol yung tao.

"Basta nandito kami para kay Mama Vice."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results