Male cast ng Descendants of the Sun, dumaan sa matinding military training

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2019
PHOTO/S: Dingdong Dantes Instagram

Bumalik na sa Metro Manila kahapon, July 18, ang male cast ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun mula sa gruelling training nila sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ang Descendants of the Sun ang upcoming primetime series ng GMA-7.

"Dusa" at "malupit" ang mga salitang ginamit ni Rocco Nacino nang i-describe nito ang mga naranasan nila ng kanyang mga co-star na sina Dingdong Dantes, Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, at Lucho Ayala.

View this post on Instagram

A snappy salute to my co-actors for showing their never-say-die dedication to the craft by agreeing to immerse with our country’s Special Forces in preparation for our respective roles. . . We give much respect to our uniformed men for their love and dedication to protecting our people and securing the land. It is true that we enjoy these liberties in society because the Armed Forces are in the frontline, risking their lives for us to enjoy ours, free from threat— may it be man made or natural. . . That is why it is our duty as actors to represent them properly and as accurately as possible on screen. And what better way to do it than by learning WITH them in their own school! . . We all have our roles to play in this society. Doing what is expected of us with integrity and purpose that is greater than ourselves makes us responsible citizens. For actors like us, our battle ground is the set and our mission is to portray a character in the best way we can, so that the whole production can tell a story in the most effective way possible. The messages may vary, according to values. They may be an outright approval of the status quo or a dissenting, discomforting one. But there is unity, beauty and growth in diversity, especially in a (developing) democracy like ours. . . Ang sabi nga ng isang Pilosopo, “... a whole is more than the sum of its parts.” This means that a system just like the entertainment production becomes more effective and successful when all components - actors, stunt actors, directors, scriptwriters, among many others - are working at their best and in synergy. . . If our industry does well and asserts its responsibility to the Filipino people, then we know that we are humbly contributing in building a strong and progressive nation, and, at the same time, expressing our patriotism and love for our country. #DecendantsOfTheSun #DotsPH #FireTeamAlpha ????????????

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Kuwento ng Kapuso actor sa Cabinet Files, "Malupit ang training namin dahil ang two-year training course ng Special Forces, ginawa namin in two days at napahanga ako sa mga kasama ko.

"Kahit civilians kami, kahit papaano nakasabay kami sa training ng mga sundalo natin.

"Pero kapag nakakausap namin ang fellow SF trainees, sinasabi nila na yung ginawa namin, ten percent lang ng mga ginagawa nila.

"The most difficult part of the training is maintaining that mental state or mindset na kailangan matapos o magawa ito for the betterment of ourselves and the country.

Continue reading below ↓

"Sa training namin, hindi lang ang pisikal ang mahalaga dahil mas importante pala ang mental capabilities.

"They really break you down para maging malakas ka.

"Pinakadusa talaga ang exercise namin every other hour. Kailangan ma-complete namin para ma-instill ang discipline.

"Kahit bago matulog, exercise pa rin kaya mahirap matulog.

"Pero napakaganda na experience dahil yung paghihirap nila sa amin ay para sa ikabubuti ng mga magiging Special Forces."

Walang special treatment na ibinigay kina Rocco, Dingdong, at sa kanilang ibang mga kasamahan sa dalawang araw na training nila sa Fort Magsaysay.

"We were treated as army men. They made sure we understand yung mga pinagdadaanan nila," sabi ni Rocco.

Nagpapasalamat si Rocco dahil nabigyan siya ng pagkakataong maranasan ang buhay-sundalo.

"Mabuti na lang, ginawa namin yun dahil hindi basta-basta ang maging sundalo.

"You really have to understand why they are doing that.

"Natutunan ko na kaya tayo masaya at nag-e-enjoy sa buhay natin ay dahil ginagawa ng mga sundalo ang mga trabaho nila.

Continue reading below ↓

"Doon namulat ang mga mata ko.

"Actually, nabuksan yung mga mata ko. Why not be of service, di ba?

"Puwede rin maging reservist para makatulong sa bansa in times of need."

View this post on Instagram

...and @nacinorocco as WOLF #DotsPH #FireTeamAlpha ????????????

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, magsisimula sa darating na linggo ang taping ng Descendants of the Sun.

Ang karakter ni Wolf ang gagampanan ni Rocco.

Si Wolf ang master sergeant na kaibigan ni Big Boss, na bibigyang-buhay ni Dingdong.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Dingdong Dantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results