Full trailer ng pelikula nina Anne Curtis at Marco Gumabao, nag-trending

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2019

Mabilis na nag-trending sa Twitter kagabi, July 19, ang full trailer ng Just A Stranger.

Bida sa pelikulang ito ng Viva Films sina Anne Curtis, Marco Gumabao, Cherie Gil, at Edu Manzano.

"Sizzling, titillating, intriguing, hot, exciting" ang ilan sa mga komento ng mga nakapanood sa full trailer na inilabas ng Viva Films bandang 6 P.M.

Tungkol sa isang babaeng may asawa pero nagkaroon ng relasyon sa lalaking mas bata sa kanya ang kuwento ng bagong pelikula na isinulat at mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Hindi lamang ang trailer ang pinuri ng publiko dahil positive din ang feedback sa cinematography at poster ng pelikula na kinunan ang mga importanteng eksena sa Lisbon, Portugal.

Ang mga papuri sa trailer ng Just A Stranger ang dahilan para magtaka ang karamihan dahil hindi napili ang pelikula bilang official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa September 2019.

Actually, blessing in disguise ang hindi pagkakapili sa Just A Stranger para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na puro indie movies ang kasali dahil mas maagang mapapanood sa mga sinehan sa August 21 ang pelikula ni Anne.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results