Pinoy boxing fans, malaki ang natipid sa libreng panonood ng Pacquiao-Thurman fight sa social media

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2019
PHOTO/S: Courtesy of @FOXSports on Twitter

Ang 1994 animated musical film na The Lion King at ang Tagalized version ng 2017 American superhero movie na Wonder Woman ang mga itinapat ng GMA-7 sa delayed telecast ng ABS-CBN sa boxing fight ni Senator Manny Pacquiao at ng American boxer na si Keith Thurman na naganap ngayong tanghali, July 21 (July 20, Saturday night sa Las Vegas, Nevada), sa MGM Grand Arena.

Round 7 na ng laban nina Pacquiao at Thurman nang magsimula ang delayed telecast ng Kapamilya Network.

Unlike before, hindi na ipinapalabas sa mga sinehan ang mga boxing fight ni Pacquiao dahil live na itong napanood sa kaliwa’t kanang watch party sa Facebook.

Malaki ang natipid ng mga Pilipino dahil bukod sa live, libre ang panonood nila sa social media, hindi kagaya nang dati na nagbabayad sila ng P600 para mapanood sa wide screen ng mga sinehan ang mga nakaraang laban ni Pacquiao.

Nagbibiruan ang mga mainstay ng ASAP at Sunday Pinasaya na nabawasan ang kanilang mga suweldo dahil pre-empted ito ng Pacquiao-Thurman fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May valid reason ang hindi paglipad sa Las Vegas ng mga senador at kongresista para panoorin ang laban ni Pacquiao dahil mas mahalaga sa kanila na dumalo sa 4th State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte na magaganap bukas, July 22.

Nakuntento na lang ang ilang mga senador at kongresista na panoorin kanina sa sinehan sa isang mall sa Makati City ang laban ni Pacquiao kay Thurman.

Hindi na makakalimutan ni Thurman ang sagupaan nila ni Pacquiao dahil ito ang unang nagbigay sa kanya ng pagkatalo sa boxing career niya na nagsimula noong 1997, kaya umaasa siyang magkakaroon sila ng rematch.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of @FOXSports on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results