Ipinagpalit ba ni Gerald Anderson si Bea Alonzo kay Julia Barretto?

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2019
PHOTO/S: Mark Atienza / Twitter

Walang binanggit na pangalan si Bea Alonzo sa cryptic post nito sa kanyang Instagram account, pero marami ang nag-assume na para ito sa boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Ang cryptic post ni Bea ang dahilan para makatikim ng mga masasakit na salita si Gerald mula sa fans na naniniwalang hindi siya naging tapat sa relasyon nila ng kanyang girlfriend.

Ang congratulatory message ni Gerald sa kanyang Instagram account para kay Senator Manny Pacquiao dahil sa panalo nito sa laban kay Keith Thurman ang ginamit ng fans sa paglalabas ng galit laban sa aktor.

View this post on Instagram

Congrats boss ????????

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Tinawag nila itong "cheater," "manloloko," at iba pang masasakit na salita, kahit hindi malinaw kung sino ang taong pinatutungkulan ng cryptic post ni Bea.

Nadadamay sa isyu si Julia Barretto dahil ito ang pinagbibintangan na diumano’y third party sa relasyon nina Gerald at Bea.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Number three sa trending topic ngayon sa Twitter si Gerald dahil sa mga alegasyong namamangka siya sa dalawang ilog.

Naglabasan na rin ang mga litrato nina Julia at Gerald na kuha sa 30th birthday party ni Rayver Cruz na ginanap kagabi, July 20.

Ni-like ni Bea Alonzo ang Instagram post na magkasama sila ni Joshua Garcia sa litrato at may caption na: “Both of you deserve better... I just want to say to @garciajoshuae that you are truly a gentleman because on your interviews you never said something against her. What you did was you protect her even you are in pain of what @juliabarretto did. God Bless you, I pray that you @garciajoshuae and @beaalonzo will get through this pain.”

Continue reading below ↓

Like din si Bea sa ibang Instagram posts na may litrato nina Gerald at Julia na magkasama at may caption tungkol sa dishonesty ng boyfriend niya.

View this post on Instagram

Para sa lahat ng ngsasabi na nagssinungaling and naninira lang. NOPE. I'm not lying. And ano mkkuha ko dun? There you go! Yan nlng ipakita ko. Hindi lang keme friends dahil bday ni rayver. Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila. Tinatago man halata padin OKAY. I dont like to assume or judge pero kawawa kase and sobrng manloloko. I already sent a message to bea. Clearly we don't know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life. Pero one thing is for sure. HE DOESN'T DESERVE BEA ALONZO! ???? After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past nya sa gnwa nya sa mag bestfriend ( kimm and maja ) Minahal nya padin even nung ngkamovie sila ni Pia. Niloko nya pero pinatawad at mas lalong nya pdin minahal. She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka. Ano lahat nlng ba ng leading lady nya lalandiiin nya or jojowain nya? Ganon ba yun? Sabi nga nila, Once a cheater, always a cheater ???????????????????????? I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald. With regards to Julia B. kung ano man reason nya selfcare selflove keme bestfriend sila ng ex nya bahala sya. I don't care about her life or decisions basta yan lang nakita ko. Si Bea na nakakaalam nyan and sila. Basta we are here for bea. We love her and she deserves better ???????? #beaalonzo #geraldanderson edit : she liked my photo after minutes of posting this ???? and posted a confirmation "ENOUGH" Huhuhu edit kung tama man ako or hndi basta niloko sya! HUGS AND LOVE FROM US. ??????

A post shared by Kath Cabrera (@cabrera.kath) on

Pinangalanan na rin ang blind item tungkol sa aktor at aktres na palihim na nagkikita sa bahay ng isang aktres.

May mga nagsabi na, diumano, sina Julia at Gerald ang mga subject ng blind item na nagdadawit sa pangalan ni Erich Gonzales.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mark Atienza / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results