Nabigo ang mga nag-aabang na bashers ni Senator Nancy Binay dahil wala silang maipintas sa Filipiniana gown na ginamit ng senadora sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte na naganap ngayong hapon, July 22, sa Batasang Pambansa.
Tinapos na ni Senator Binay ang mga sumpa sa kanyang damit dahil pinuri ang Filipiniana gown niya na gawa ng fashion designer na si Randy Ortiz.
Sen. Nancy Binay arrives at Batasan wearing Randy Ortiz for #SONA2019. | via @jessbrtlm pic.twitter.com/rrWWJMSak9
— GMA News (@gmanews) July 22, 2019
Si Ortiz din ang creator ng mga damit ni Binay na nakatikim ng mga panglalait sa mga nakaraan na SONA.
Noong July 2014, nag-trending si Binay sa SONA ni former President Noynoy Aquino dahil sa kanyang outfit kaya ikinumpara siya kay Princess Fiona ng Shrek.
Since then, inaabangan na ng kanyang detractors ang mga damit na isusuot niya sa SONA.
Pero vindicated si Binay ngayong 2019 dahil hindi na siya pinaglaruan ng mga basher.
YASMINE VARGAS
Si Stephanie Tan ang designer ng simple white dress ni Yasmine Vargas, ang asawa ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.
Fifth District Rep. Alfred Vargas with wife Yasmine Espiritu at #SONA2019 red carpet. | via @jannieannb pic.twitter.com/Gdb0kHYwT1
— GMA News (@gmanews) July 22, 2019
Anak si Stephanie ng Seiko Films producer na si Robbie Tan at may sariling shop siya sa Morato Avenue, Quezon City.
Former contract star si Alfred ng Seiko Films at ninong nila ni Yasmine sa kasal si Robbie kaya close sila sa isa’t isa.
Sa kasamaang-palad, mali ang caption ng Manila Bulletin sa litrato nina Alfred at Yasmine na inilabas nila at kuha sa red carpet ng SONA.
"Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas with wife Stephanie Tan both look stunning in Francis Libiran creations" ang caption sa larawan ng Vargas couple.
PHILLIP SALVADOR & ROBIN PADILLA
Ang JE&Co. Haberdashery and Fine Gentleman’s Shop ang provider ng mga Barong Tagalog na suot ng BFF’s na sina Phillip Salvador at Robin Padilla.
Identical ang mga Barong Tagalog nina Phillip at Robin na parehong may Philippine flag ang design.
SENATOR IMEE MARCOS
Ang favorite fashion designer ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang gumawa ng yellow Filipiana gown ni Senator Imee Marcos.
"Dilawan ako ngayon," sabi ni Marcos sa isang interbyu tungkol sa La Filigrina gown ni Tumang, na nakatikim din ng mga batikos dahil binihisan niya ang controversial senator.
Dahil malikot ang imahinasyon ng mga anti-Marcos, binigyan nila ng ibang kahulugan ang damit na kulay ginto pero ibinabad sa dugo dahil sa mga biktima ng martial law noong panahon ng panunungkulan ng ama ng senadora na kontra sa description ni Tumang sa kanyang obra maestra.
"La Filigrina: Inspired from the Philippine craft and jewelry, the gown is crafted with sunset ombre 'Solihiya' inspired fabric, adorned with 'Gold Tambourine' swags and medallion.
"This is a testament of the ever-relevant challenge for all of us to look beyond 'political' colors. Rather, be inspired by our forefathers' courage and bravery which ensue that the light of the sun will always shine bright bringing hope for our beloved country.
"We all need to work hand in hand; together, to make our country truly a 'bayang magiliw.'"