Derek Ramsay at Andrea Torres, lumalalim na ang relasyon?

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2019
"They’re okay! They’re okay!" sabi ng source tungkol kina Derek Ramsay at Andrea Torres.
PHOTO/S: Noel Orsal

"They’re okay! They’re okay!"

Ito ang double assurance ng isang taong nakausap ng Cabinet Files at saksi sa lumalalim na friendship nina Derek Ramsay at Andrea Torres, ang lead stars ng The Better Woman ng GMA 7.

Hindi direktang sinagot ng kausap namin ang aming tanong kung may relasyon na sina Derek at Andrea.

Pero makahulugan ang kanyang sinabi na kapag palaging magkasama ang dalawang artista at sila ang madalas na nagkikita, normal lang na lumalim ang kanilang relasyon.

Nagsimulang ma-link sina Derek at Andrea sa isa't isa nang magtambal sila sa The Better Woman, ang primetime drama series ng Kapuso Network.

Diumano, pinagselosan si Andrea ng ex-girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca kaya naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na aktor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"They’re okay! They’re okay!" sabi ng source tungkol kina Derek Ramsay at Andrea Torres.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results