Newbie actress Nicole Omillo, honored maging kontrabida ni Nadine Lustre

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2019
Nicole Omillo will play kontrabida to Nadine Lustre in the upcoming film Indak.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Disbanded na ang all-girl pop group na Sugar ‘N Spice kaya may solo acting and singing career na ang former member na si Nicole Omillo.

Introducing si Nicole sa Indak, ang dance movie ng Viva Films.

Malaking karangalan daw para sa kanyang mapili para gumanap na kontrabida sa karakter ni Nadine Lustre.

Inamin ni Nicole na na-intimidate siya kay Nadine sa unang araw ng workshop nila para sa Indak, pero inalalayan at sinuportahan siya ng multi-awarded actress.

"Noong una ko siyang ma-meet sa workshop namin, sinabi ko nga sa kanya na, 'Ate Nads, sobrang kinakabahan po ako.'

"Yun po ang una kong tawag sa kanya kasi Nadine Lustre po siya.

"Sabi niya, 'Nadine lang.'

"Sabi ko, 'Kinakabahan po ako kasi kontrabida ako dito.'

"Parang, 'I don’t know how to approach my character with you dahil first time kong umakting sa big screen.'

"Sabi niya, 'Hindi, okey lang ‘yan. Magtutulungan tayo.'

Continue reading below ↓

"Throughout our shooting days, palagi po niya akong tinutulungan."

Kuwento pa niya, "Nanibago po ako noong una kasi usually po, dati yung mga role ko, inaapi ako o nagpapa-sweet lang ako.

"Honestly, na-intimidate ako sa unang shooting day namin, maybe because ipine-prepare ko yung sarili ko.

"Naging okey naman po talaga.

"Parang kinapalan ko na yung mukha ko.

"Sabi ko, hindi ako puwedeng mapahiya dahil, of course, that’s Sam [Concepcion] and Nadine, big stars, that I am working with.

"So kailangan po talaga na I give my best."

Masaya si Nicole sa mga nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career.

Nagkakaisa ang maraming entertainment press sa kanilang obserbasyon na malaki ang pag-asang sumikat si Nicole dahil sa kanyang extraordinary morena beauty at outstanding talent sa pagkanta.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicole Omillo will play kontrabida to Nadine Lustre in the upcoming film Indak.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results